Hanson Nilla’s POV
Midnight. Sa kalagitnaan ng gabi ay umalis si Terience. Sa pagtulog palang niya ay pinagmamasdan ko na siya. Sinundan ko siya. Nagkotse siya at ginamit ko rin naman ang kotse ko.
"I won't let you go with this." Sabi ko sa sarili ko. Medyo malayo na rin ang aming byinahe. Naabot pa kami ng Quezon city at tumigil siya doon sa bar. Bumaba siya. Pinark ko naman yung sasakyan kong malayo sa kanya. Nagtago naman ako sa kotse ko habang pinapanuod ko siya.
"Bro." Nagappearan naman siya doon sa mga lalaking.. teka? Barkada ko yun a? Barkada namin. Pumasok naman sila sa loob. Pumasok na rin ako. Medyo madilim naman yung loob kaya pwede akong hindi magtago ng masyado. Nasa isang table na sila lahat. Pumunta naman ako sa mga drinks at umupo sa isang stool at itinatago ang sarili sa baso. Malapit-lapit lang ako sa kanila kaya dinig na dinig ko ang kaingayan nila.
"Buti naman nakarating ka." Sabi ng isa sa mga barkada ko.
"Ako pa? I have the strenght you know. So, where is it?" Sabi ni Terience.
"Here. My bet, 5k" Isa-isa naman silang nagbibigayan ng pera sa kanya.
"Woah. 23k just for the 5 of you? Hahaha! Pwede na atang pang negosyo ito ha."Pabirong sabi ni Terience habang binibilang ulit ang pera.
"But remember that it's half way pa. You still have to get what we want." Ano kayang ibig nilang sabihin? Bakit parang hindi ko maintindihan?
"Oh sure! Ang dali lang no'n. Just get Liana and let Hanson leave then leave Liana alone." Bumilog mata ko sa narinig ko. Hinawakan ko ang baso ko ng mahigpit.
"Bakit ba kasi niyo ito ginagawa?" Tanong ni Terience.
"It's the way to get into our group. We need a replacement for Hanson, he's getting married soon. We need him out but we need another one too." What?! Ano bang pinagsasabi nila?!
"Ah ganoon ba? Maalis siya at masali naman ako? Pretty simple but challenging. Pero okay na rin, after this, I am in and at the same time I earn. Hahahaha!" Mas hinawakan ko pa ng malakas ang baso hanggang sa mabasag ito. Napatingin naman sila sa side ko. Nagaapoy na ako sa galit.
"HANSON?!" Sigaw ng isa sa mga barkada ko. Hindi na ako nagdalawang isip pa at sinugod ko ang leader ng barkada namin.
"You rude!" I punch him. Kung pwede lang ay patayin ko na siya. Hindi ako nagpapigil sa kanila at sinuntok ko na rin si Terience at yubg iba pa. Pero marami sila at pinagtulungan nila ako.
Hinawakan naman ako ng dalawa sa magkabilang braso ko. Nagpumilit akong makaalis.
"STUPID! HAYOP!" Sigaw ko habang nagpupumiglas.
"Am I? Oh maybe that's how you call it. Actually, I'm glad you became part of us. You helped a lot. But sorry, our group needs everybody not a stupid guy who get over hills by a stupid girl." Sinugod ko siya at sinuntok ulit. Nahawakan na naman nila ako.
"If you want me to be kicked then tell me! I can do it!" Sigaw ko.
"Shut the fuck up Hanson. Are you really that dumb? Still remember my bar from Santa Enis?" Yun yung bar na binabalak kong maging akin.
"You tried to get it! Hindi ka pa nagsabi buti at nagawan ko ng paraan. Is that how selfish you are?!" Tinignan ko lang siya ng punong-puno ng galit.
"Yan lang ba ang ikinakagalit mo? It's done! It's already yours!"
"It's not that easy! That bar from Santa Enis was supposed to be my gift for my girlfriend. But when I knew that you planned something, everything's ruined. And you ruined it!" Wala akong nasabi. Hindi ko alam.
"Time heals! I treated you all as one of my family but this is how it all ends? Revenge?" Nakatagpong kilay na sinasabi ko.
"And you!" Dahil wala na sila isip na hinawakan pala nila ako, I get the opportunity to punch Terience. Pinagsusuntok ko siya sa buong makakaya ko hanggang dumugo ang mukha niya.
"You slut! Stupid! Moron! You deserve this all!" Hinawakan na naman nila ako.
"Tama na Hanson!" Napasinghap ako.
"Oh, God! This group sucks. I quit."
Iniwan ko sila at nagpunta sa ibang bar. Gusto ko munang magpakalasing para maibsan naman ang mga problema ko.
"Pour it!" Sabi ko ulit sa bartender.
"Tell me, how can she be so blind? I am doing everything. I gave her almost my life, isn't that enough to let her know that I care for her? That I loved her more than she knows?" Ngumisi ako at uminom pa ng uminom. Bakit ko nga ba 'to sinasabi sa isang bartender e hindi naman niya alam ang buhay na pinagdadaanan ko.
"It's okay Sir. Just continue what you were doing or just do what you think is right. Fight for your love." Kahit papano may matino rin pala siyang nasuggest.
"Hahahaha! Fight? That's it!"
Umalis ako ng parang sumasayaw. Nagdrive ako ng lasing pero kahit ganoon ay marunong parin ako. Marunong akong komontrol sa sarili ko lalo na 'pag sa ganitong sitwasyon. Nakauwi na rin ako ng bahay. Umakyat ako sa kwarto ni Liana.
"Hi Honey." Pangisi-ngisi kong sabi sa kanya.
"Hanson? Hmm! Ang baho mo. Lasing ka ba? Saan ka galing?" Nginitian ko lang siya habang hawak-hawak niya yung magkabilang balikat ko.
"Liana! Hehehe, I love you!" Pangiti-ngiti kong sabi.
"Lasing ka." Hindi ko siya pinakinggan.
"Liana! Hehehehe, I love youuu" Sabi ko ulit sa kanya.
"Saan ka ba nanggaling? Bakit ka ba lasing?"
"Liana! Hanson, I love you toooo." Sabi ko sa kanya ng parang lutang ang utak.
"Magsalita ka. Sumagot ka nga ng maayos!" Medyo inis na sabi niya.
"Sinundan ko si Terience. Hehehe."
Alyana Perez's POV
"Sinundan ko si Terience. Hehehe." Sinundan niya si Terience? Bakit pa niya gagawin iyun?
"Huh?" Nagtatakang tanong ko.
"Sinundan ko siya tapos naHULI ko siya! Hahaha!" Parang sira na sabi niya. Kilala ko si Hanson. Kapag lasing siya ay hindi siya nagsisinungaling.
"Nahuling alin?" Nagtatakang tanong ko.
"Nahuli ko siya, Liana. Oo! Nahuli ko siya! Ang mga ginagawa niya ay ng dahil sa PERA! 1,2,3 ang tatay kong kalbo hahaha! 1,2,3,4.. 23! Tama! 23k yun lahat para sa mga pinaggagawa niya ngayon. O-o-o, at isa pa, magiging replacement niya ako sa grupo k-kapag nagawa niya ng tama! Kaya BANG sinuntok ko siya, SINUNTOK ko silang lahat! BOGSH SABOG! HAHAHA!" Lasing na lasing na sabi niya.
"Ano? Pera? Sino naman ang gagawa niyan?"
"Gary.. Don't--Don't trust him."
"Hanson." Ewan ko pero sa 'di ko alam na dahilan ay napaiyak ako. He's so kind. God, please, let me love him.
***
BINABASA MO ANG
ABNISM (Completed)
RandomSa buhay, dumadaan tayo sa pagkabata, binata at dalaga at hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya. Pero sa buhay, hindi rin mawawala ang mga problema at pagsubok. Pero sa bawat problema at pagsubok, may mga paraan na mailalaan. Pero paano...