Para akong nanghihina. Ang sakit ng balakang ko at sa maselang bahagi ko.
"Alyana?"
Nakadinig ako ng mahinang tinig na tumatawag sa pangalan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at doon ay nadatnan ko sina 'Nay Tasing na namumula na ang mga mata at ang mga hindi pamilyar na tao sa akin.
"'Nay Tasing." Mahinang sambit ko.
"Diyos ko po salamat at nagising na siya." Panalangin ni 'Nay Tasing saglit.
Bigla naman may dumating na doctor at nilapitan ito ng isang lalaking medyo pamilyar sa akin.
"Kumusta na po siya, doc?" Tanong ng lalaki.
"Kaano-ano niyo po 'yung pasyente?" Tanong ng doctor.
"Kamag-anak ko po siya." Sagot niya. Kamag-anak?
"Okay na siya. Napagod lang siya sa pagluwal ng bata. Bukas, pwede na siyang makalabas." Sagot naman ng doctor.
Batang iniluwal ko? Ako? Nagluwal ng bata? Nailuwal ko ang bata?
"Hindi.. hindi!" Naghysterical na ako pagkarinig ko na nailuwal ko ang bata.
Magiging pabigat lang siya sa akin. Hindi ko din alam kung paano ko siya bubuhayin. Hindi pwedeng buhay ang bata.
"Hindi pwede!" Nag-alala na rin ang lahat.
"Alyana, anong problema?" Tanong ng lalaki-
"Tito Tedy?" Napatigil naman ako sa pagkahysterical ng mamukhaan ko ang lalaking kausap ng doctor na kaharap ko na ngayon.
"Alyana, anong problema?" Tanong niya ulit kaya nahysterical na ulit ako.
"Ang bata.. h-hindi pwedeng nabuhay ito.. Hindi!" Pailing-iling kong sabi.
"Alyana, ano bang sinasabi mo? Hindi ka ba masaya na may anak ka na?" Tinignan ko ng masama si Tito.
"Pa'nong magiging masaya ako, Tito? Ako lang mag-isa ang bubuhay sa batang iyan dahil hindi ko alam kung sino ang tarantadong ama niyan. At isa pa, paano ko naman siya bubuhayin? Magiging pabigat lang siya sa akin. Naiintindihan niyo ho ba iyun?" Mahabang paliwanag ko kay Tito.
BINABASA MO ANG
ABNISM (Completed)
RandomSa buhay, dumadaan tayo sa pagkabata, binata at dalaga at hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya. Pero sa buhay, hindi rin mawawala ang mga problema at pagsubok. Pero sa bawat problema at pagsubok, may mga paraan na mailalaan. Pero paano...