Chapter 17

289 7 0
                                    

Maagang umalis si Hanson dahil gusto na daw niyang makahanap ng trabaho para sa amin. Hindi naman ako nagpaalam sa kanya na pupunta ako sa mall. Makikipagkita ako kay Terience para matigil na ito.

Si Angel ay iniwan ko kina Tito. Day off kasi ni Tito kaya doon ko na muna iniwan si Angel. Gusto rin naman ni Tito kasi namimiss na rin niya si Angel. Hindi ko naman nadatnan si Maquen at Tita doon.

Nang makarating sa mall, pumunta na agad ako sa may lugar na sinasabi niya na kung saan kami magkikita. But instead na siya ang madatnan ko doon ay dalawa ang nadatnan ko. Siya at isang babaeng inakbayan niya.
Nasa harap na nila ako and I was just standing there looking at the two of them.

Bigla siyang napatingin sa akin,
"Oh, Liana.” Nakangiti siyang lumapit sa akin. Nakangiti siya?

“Sino siya?” Tukoy ko sa kasama niyang mukhang higad kung makakapit.

“She’s.. Pamela, my girlfriend.” Nakangiti paring sabi niya.

“Girlfriend? Sinabi mo sa akin na mahal mo ako tapos siya, girlfriend mo? I will file a case, Terience. Hindi mo na makikita pa ang bata.” Like hello? Hindi naman big deal sa akin na may girlfriend siya, yung sinabi niya sa akin na mahal niya daw ako.

Bigla siyang tumawa na siyang ikinakunot ng noo ko.

“Liana, nagpapatawa ka ba?”

“I’m serious.”

“I mean, seriously? Magfifile ka ng case? Liana, alam mong kakaiba ang bar na iyun. So malamang e, marami na akong nakama diba? Nagkataon lang na hindi ako nag-ingat no’ng sa part natin kaya nabuntis kita. Wala akong pakialam sa bata, Liana. Sa tingin mo, may balak akong isiksik ang sarili ko sa inyo? Oh, come on! Hindi ako yung type na ganyan. Sayang ang kagwapuhan ko kung gano’n. “

Hindi ko na napigilan ang umiyak. Medyo mahina naman ang boses niya pero sakto lang para marinig ng mga taong nagdadaanan malapit sa amin kaya napapatingin yung iba.

“Enough, please.” Mahinang sabi ko sa mga hikbi ko. Sa pagkakataong ito, I want my mom.

“Do you think, seryoso ako? Excuse me? Ha! Ang tanga mo naman. You’re so stupid, Liana.” Dagdag pa niya.

Lumapit naman yung mukhang higad na kaakbay niya kanina.

“Sino siya babe?” Tanong ng palaka. Sinong mas tanga samin? O talagang bingi lang siya?

“Just a friend. Umiiyak kasi iniwan ng boyfriend niya kaya I was just trying to comfort her.” Pisti ka! At naniwala naman yung babae? Omg, what is happening to this country?

“Oh, how sad, girl.” Sabi ng ahas.

“Alam mo? Hindi mo na dapat isipin iyan. Pagdating sa love, dapat inisip mo na, na sa huli may masasaktan talaga.” Advise niya amd seriously? It's not helping.

“’Wag ka nang umiyak. It’s gonna be okay, okay?” Dagdag pa ng mukhang aso.

“Shut up! F*ck you both.” Galit na sigaw ko at tsaka umalis.
Pinagtitinginan ako ng mga tao ngayon. Pero wala akong pakialam. Bakit kailangan ko pang makialam? E ganyan rin naman ang gagawin ko kapag nakakakita ako ng mga taong umiiyak o kaya ay makaagaw eksena.

Sa gitna ng paglalakad ko ay may nabangga ako.

“Alyana?” It’s Gary.

Aalis na sana ako pero hinawakan niya ako sa braso ko kaya napalingon agad ako sa kanya.

--

“Hindi ko alam na may namamagitan pala sa inyo ni Terience.” Sabi niya ng seryoso. Nandito kami ngayon sa Jollibee. Tumigil na rin kasi ako sa pag-iyak ng masabi ko sa kanya lahat.

“Salamat ha at pinakinggan mo ako. Busy kasi si Hanson ngayon sa paghahanap ng trabaho.” Nakangiting sabi ko.

“Walang problema. Pero yung pagkain, hindi libre ito.” Tinignan ko siya ng masama.

“Oops, joke lang. Haha!” Napangiti nalang ako.

Buong araw at gumala lang kami ng lalaking ito sa mall. Mabait naman pala ‘to. Yung tingin niya kasi kagabi, parang may masama siyang binabalak. Pero don’t judge the book by it’s cover nga naman. Mali pala ako ng tingin sa kanya.

Pagkatapos ay hinatid niya ako sa bahay and I was so shocked dahil nasa labas ng bahay si Hanson.

“Hanson..” Sabi ko ng makalapit ako sa kanya. Bigla naman niyang hinawakan ang mukha ko.

“Bakit namamaga mga mata mo? Umiyak ka ba?” Yumuko lang ako tapos itinuon na niya ang sarili niya sa taong nasa likuran ko.

“Gary..” Mahinang sambit ni Hanson.

“Pinasaya ko lang siya. Nakita ko siya doong umiiyak kaya I did my very best para ngumiti siya May dapat yata kayong pag-usapan. At tsaka, pasinsya kung nagabihan. “ Explain ni Gary.
Napatingin si Hanson sa akin, yung nag-aalalang tingin.

“Salamat, bro.”

“Yeah, sure. Sige, mauna na ako. Bye. Bye, Liana.” Nginitian ko lang siya at umalis na rin siya.
Pumasok kami sa loob at bigla na lang akong niyakap ni Hanson.

“I told you, hindi siya mapagkakatiwalaan.” Kumalas ako sa pagkakayakp niya at binigyan siya ng nagtatakang tingin. Paano niya nalaman?

“Wala ka namang ibang dahilan para umiyak diba? So malamang si Terience iyun. Bakit? Ano bang nangyari?”

Sinabi ko sa kanya lahat. Pilit ko namang pinipigilan ang mga luha ko kasi anytime mukhang babagsak na siya.

“Buti pala at napuruhan ko siya ng suntok kagabi. Tamang-tama lang iyun.” Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.

“I love you, Liana.”
Daha-dahan ay lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa labi. Sinabi ko na rin sa kanya na hindi kami pwedeng lumagpas sa upper body dahil alam naman niyang buntis ako.

***

ABNISM (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon