Chapter 29

127 3 0
                                    

Alyana's Perez's POV

"Bye, mommy.."

Paulit-ulit na sinisigaw ng isang bata iyan sa tenga ko hanggang sa magising ako ng tuluyan.

"Liana.." Nakita ko si Hanson na alalang-alala ang itsura.

"Liana.." Sabi ni Amanda.

"Nasa hospital ba tayo?" Mahinang tanong ko habang pilit na nililibot ang paligid.

Nandito rin si Tito, Tita at si Maquen. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang reaksyon niya. Parang namatayan ng kung ano..

"Bakit nandito tayo? Wala naman akong sakit." Sabi ko ulit habang pinag-aaralan kung bakit ganyan ang itsura nila.

Hanson Nilla's POV

Lumakad si Liana palabas ng gate at mahinang sinasambit ang mama niya. Hinayaan ko siyang sundan ito kahit matumal ang lakad niya.

"MA!" Sigaw niya at dinig ko na yung mga hikbi niya.

Teka, ano yung..

"LIANA!" Sigaw ko.

Agad akong tumakbo patungo sa kanya at kinuha ang bata tapos hinawakan ko yung balikat niya mula sa likod at isinandal ang katawan niya sa akin.

"Liana!"

"Ano pang itinatayo-tayo mo?! Tulungan mo ako!" Sigaw ko sa Mama niya.

Agad naman siyang lumapit sa akin at ibinigay ko yung bata tapos binuhat ko si Liana.

Nasa kamay at buong katawan ko na ang dugong umaagos sa kanya.

Diritso ko siyang nilagay sa kotse at lumabas na ng gate at tumigil sa gilid niya.

"Sakay na po!" Atat na sabi ko kay Tita at agad naman siyang sumunod.

--

Napatayo kami pareho ng mga kasama ko dito sa labas ng emergency room including my family and her mom ng lumabas na ang doctor.

Muntikan pang inaway ni mama si Tita kanina pero agad ko namang inawat si mama dahil hindi ito ang oras ng pagtatalo nila.

"Masyadong mabigat ang problemang dinadala niya. Nas-stress pa siya. I'm sorry but the baby didn't survive. "

Agad akong napaupo sa sinabi ng doctor. Hindi man ako ama ng bata pero kapatid ko parin ang nagmamay-ari dito.

Tinignan ko si Maquen pero seryoso lang siya, hindi pinapakita ang awa at sakit na nararamdaman niya. Pero alam kong nalulungkot rin siya. Si Tita Amanda naman, umiyak na rin.

Si Liana naman parang anytime hihimatayin.

"Liana, are you okay?" Tanong ko no'ng makalapit ako sa kanya.

Niyakap ko siya at doon nalabas yung luha na kanina pa niya pinipigilan.

"Wala-- wala na.. " Sabi na sabay ng mga hikbi niya.

"Ma, pwede niyo po ba kaming iwan muna dito?" Tanong ko kay mama na katabi ni papa.

Lahat naman sila ay lumabas.

"It's gonna be okay. Ssssh." Sabi ko sa kanya habang hinihimas ang likod niya.

Napakahigpit ng yakap niya sa akin. Yung parang hindi na siya kalalas sa akin.

"Ssssh.."

Messy Nilla's POV

Lumabas kami ng irequest ni Hanson iyun. Kahit na tutol ako sa nangyari sa kanila, sa pagbubuntis ni Liana, naaawa rin naman ako. Yung parang nalulungkot ako dahil apo ko na ang nawala. Masakit rin pala.

"I can't believe it. Napakasakit siguro para sa anak natin iyun." Sabi ko kay Ted ng makaupo kami sa seats sa labas ng room ni Liana.

"Malalagpasan rin nila ang pagsubok na ito. Let's go, uminom muna tayo ng drinks." Tumango nalang rin ako tapos tumayo na at lumakad.

Ng makaliko na kami ay napansin ko na hindi nakasunod si Maquen.

"Ted, mauna ka na. Pupuntahan ko lang si Maquen. Naiwan ko ata." Natatawa kong sabi kay Ted.

Pumayag naman siya kaya agad na akong bumalik sa room ni Liana.

Malapit na ako sa room niya. Pabukas palang sana ako ng pinto ng marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Kuya, ganyan ka ba talaga? Bakit parang walang sakit o awa kang pinapakita? Wala man lang bang halaga sa'yo ang anak mo?" Si Hanson yun. Teka, anak ni Maquen? Hindi ko sila maintindihan.

Dahil naguguluhan ako, hindi ko pinagpatuloy ang pagbukas ng pinto at mas pinili ang makinig.

"I'm not that cold, Hanson. Of course, nasasaktan rin ako. I thought at first, okay lang. But, when I knew na wala na siya, it hurts me here." Sagot yun ni Maquen.

"Stop it. Nasasaktan? May gana ka pang masaktan? Itinakwil mo na ang pagiging ama mo sa bata no'ng naduwag kang tanggapin na anak mo siya." That's Liana.

And then, it hits me to realization.

Si Maquen ang ama ng batang dinadala ni Liana. F*ck!

----

ABNISM (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon