Hanson Nilla's POV
Hawak ko ang doorknob sa kusina dito sa resto ng mapansin kong nasa loob pala si Papa.
Agad naman akong pumasok at tumungo sa kanya na kasalukuyang nakatuon sa nagluluto.
Sa gitna ng paglapit ko sa kanya, napatigil ako ng hindi ko mafamiliar ang bango ng kusina.
I think I have smelled this before but sure ako na hindi ko pa ito naamoy dito.
Nang makalapit ako sa kanya, sumubo siya. Napatingin ako sa pinagkunan niya.
"Pa, what's this?" Nagtatakang tanong ko.
"Perfect!" Nakangiting sabi ni Papa.
Why does this looks familiar?
Wait..
"Pa!" Asik ko sa kanya ng marealize ko ang itsura ng kinain niya.
Hindi niya ako pinansin at kinausap niya yung katabi niyang cooker.
"Pa! This is Liana's product!" Ulit ko pa.
Napatigil siya sa pagsasalita at agad na tinuon ang sarili sa akin.
"This is plagarism." Mahinang sabi ko pero ando'n parin yung galit at inis.
"No. Kung nakikita mo, maraming prutas sa paligid mo. We didn't copy her product, son. She's just the original creator and we're her follower. And besides, bakit naman tayo makakasuhan ng plagarism? E kung yung gamit niya ay saging and yung sa atin ay different kinds of fruit?" Napatigil ako at napailing.
"You're funny, Pa. Who came up with this crazy idea?"
"Me." Pareho kaming napalingon ni Papa sa likuran ko.
No way.
Tedy Nilla's POV
"What is it that you want to talk about?" Tanong ko ng makarating ako sa isang coffee shop.
Nagtext siya sa akin na gusto niya daw akong makausap. Hindi naman ako gano'ng kabusy kaya pinuntahan ko nalang rin siya.
"I heard you wanted Liana's product pero nauwi lang sa wala dahil hindi siya pumayag." Panimula niya.
Kinuha ko naman ang kape ko at inilapit sa bibig ko.
"So?" Then I sipped a little.
"I have an idea."
Nilapag ko ang kape ko at itinuon sa kanya ang sarili ng may kasamang pagkainteresado.
"Pwede niyong i-add ang SBD sa menu ninyo." Kumunot ang noo ko at napasandal sa inuupuan ko.
"It's plagarism. Crazy idea." I then see her smirk after I said that. Seriously, what is good in her idea? Tsk. nagsasayang ng oras.
"No. You see, ang main ingredient niya doon sa SBD ay saging lang. Let's put this like this, Tito. She's the original maker and we're just a fan. So, let's copy her product pero iba na yung main ingredient natin. We can use different kinds of fruits. Sa mga nakakatikim na sa SBD niya, hindi maiiwasang may ibang nagkakasawa na dito. For sure, Tito, magiging swak ito sa panlasa ng mga tao dahil nga bukod sa saging ay iba't-ibang prutas ang sa atin." She explained.
I hold my chin. She's quite good. Pero may naisip ako bigla..
"Anong kapalit nito?" Seryosong tanong ko.
"Let's join forces, Tito. I'll help you with your restaurant. It's just that.."
Hindi ako nagsalita hudyat na hinihintay ko yung susunod na sasabihin niya.

BINABASA MO ANG
ABNISM (Completed)
RandomSa buhay, dumadaan tayo sa pagkabata, binata at dalaga at hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya. Pero sa buhay, hindi rin mawawala ang mga problema at pagsubok. Pero sa bawat problema at pagsubok, may mga paraan na mailalaan. Pero paano...