Hanson Nilla's POV
"Mom. No please. I promise, hindi ko na pagtatangkaan ang sarili ko. Just don't let him go. Please. " Biglang nagbago ang sinabi niya ng sinabi ng mama niya na umalis na ako. Nagdadalawang-isip naman akong umalis dahil baka matuluyan niya ang kanyang sarili.
"Can you please leave us alone? J-just a minute. Let me talk to her." Tumingin sila saglit sa akin at napagdesisyunan na iwanan muna kami.
Nang makalabas ang dalawa ay bigla akong niyakap ni Hina.
"Hindi ka aalis diba?" She looked at me smiling while still hugging me.
Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at umupo hinatak ko siya paupo sa kama.
"No. You won't leave--"
"Hina.."
"Hindi ka aalis.. kasi-- diba nga--"
"Hina."
"Mahal mo..."
"HINA! MAKINIG KA! MAY ASAWA NA AKO!" Mahina pero mariin na sabi ko na siyang ikinaayos ng sarili niya.
"But--"
"Mali ka ng iniisip. While-- while we were doing that, I'm thinking of my wife. Hina, hindi lang ako ang lalaki sa mundo. Maganda ka.." Tinignan ko siya sa mga mata niya.
"Maganda ka, mabait, matulungin. Marami pang darating na lalaki sa buhay mo. Pero, h-hindi ako iyun. May taong naghihintay sa akin. " Nalungkot yung itsura niya. Hindi siya makapagsalita.
"Hina, this is not the end. Please, let me go. And that will happen if you will not try to kill yourself. Would you do that?" She looked at me. Nakakunot ang mga noo. Parang nag-iisip ng malalim.
"I-I'm sorry. Pero sabi mo, may darating para sa akin?" I smiled a bit.
"Yes."
"Okay. Hindi ko na pagtatangkaan ang sarili ko. Pero, can I call you anytime? Can I meet you? Can we be friends?" Now, I smiled.
"Of course." Then she hugged me and I hugged her back.
Alyana Perez's POV
Flashback
"Wait, you don't have evidences!" Sigaw ni Gary.
"We'll work on that." Sagot naman ni Tito.
End of FLashback
Well, as of now. Nakakulong na si Gary. Pero alam naman natin na matagal mamatay ang masamang damo. Haha. Kaya siguro makakalabas rin iyun.
Sa ngayon, nandito ako sa hospital. Nagpacheck-up na ako kasi hindi ko na alam kung ano ng nangyayari sa dinadala ko ngayon. Maraming nangyari sa akin in these past few days.
"Doc?" Tanong ko sa Doctor habang nakatuon siya sa monitor.
"It's fine." And he gave me a good smile. Nakahinga ako ng maluwag.
Lumabas ako ng hospital at napunta sa park na noon ay kung saan naninirahan ako, na kung saan muntik ko ng ipalaglag si Angel, na kung saan nahanap ako ni Tito at nagbago ang buhay ko.
Nagpalakad-lakad ako at ngiti-ngiting nakatingin sa mga batang naglalaro, mga magkasintahang naglalambingan at mga pamilyang nagpapasyalan.
Ang saya nilang tignan. Sana kasama ko ngayon si Hanson..
Kriiiing
"Hello?" Number lang kasi kaya iyun nalang ang nasabi ko.
[Liana.] Halos tumalon ako sa tuwa ng marinig ko ang tinig niya.
"Hanson!" Napatakip ako ng bibig. Feeling ko kasi, iiyak ako sa tuwa.
"Nasaan ka? Okay ka lang ba? Ano ng nangyari sa'yo?! Hansooon!" Sabi ko sa kabilang linya.
[Uuwi na ako. 'Wag kang mag-alala.]
---
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Tatlong araw na simula ng makauwi si Hanson. Sabi niya hinanap niya ako at nagkita sila ni Gary. Pero, iyun nga at nabugbog siya. Muntik na daw siyang mamatay at buti pinalaya siya no'ng mga kasamahan ni Gary. Pagkatapos no'n, may nakakita sa kanya at pinahospital siya. Comatos siya ng mga ilang araw kaya hindi niya ako natawagan. Sobrang nag-alala talaga ako. Buti at okay siya. Buti at okay na siya.
Kasaalukuyan akong nag-aayos ng mga plato sa lalagyan nito habang hawak-hawak. ko si Angel sa kabilang kamay ko. Si Hanson naman ay nasa sala at nanunuod ng TV. Sinabihan ko siya na 'wag munang humanap ng trabaho dahil kailangan pa niyang magpahinga.
Bigla akong napatingin sa pintuan sa kusina ng may nagdoorbell.
"Han! Tignan mo nga sino!" Sigaw ko kay Hanson.
Ibinalik ko naman ang atensyon sa paglalagay ng mga plato ng biglang may humawak sa bewang ko.
"Ano? Hon? in short ng Honey?" Mapang-akit na sabi niya sa tenga ko.
Binitiwan ko yung plato at tinulak ang ulo niya tapos hinarap ko siya.
"Sira! Han yun. In short ng pangalan ko." Natatawa kong sabi.
Nagpout naman siya bigla.
"Ako na nga lang titingin. Ang daming bata sa bahay!" Natatawa kong sabi sabay alis sa kusina.
Nararamdaman kong nakasunod siya sa akin pero hindi ko nalang siya pinansin at nagtungo na agad sa gate at pinagbuksan ang nagdo-doorbell.
"Alyana." Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko ngayon. Anong ginagawa niya dito?
"Tita Amanda?" Nagtatakang tanong ni Hanson ng makatabi siya sa akin.
Biglang napatingin si Hanson sa akin pero nakatutok parin ako kay Amanda.
"Tita, I think you should leave now." Sabi ni Hanson. Alam kong naiintindihan niya ako ngayon kaya siya nalang ang nagpaalis kay Amanda.
"I just want to talk. Please." Nakakaawang sabi niya.
"Sorry, Tita. But I think it's not the right time."
Ano bang nangyayari sa akin? Bakit parang naluluha ako? Papaalisin niya si Amanda? Tama lang. Sige, Hanson. Paalisin mo siya. Tama diba? Tama, paalisin mo siya.
"Please.." Mahinang sabi ni Amanda.
"Tita, please rin." Sabi ng katabi ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumulo nalang ang luhang namumuo sa mga mata ko.
Tumalikod na si Amanda at lumakad na ito. Umalis na siya. Iiwan na naman niya ako? Iiwan niya ako sa pangalawang pagkakataon?
Inilakad ko ng mahina ang mga paa ko palabas ng gate at nakita ko siyang palayo na sa akin.
"Ma.." Mahinang sabi ko.
"Ma.." Mahinang sabi ko ulit.
"MA!" Sigaw ko sabay ng pag-iyak at paghikbi ko.
Nqpalingon siya sa akin at papalapit na ng biglang feeling ko nagb-blur na ang paningin ko.
"LIANA!"
At hindi ko na alam ang nangyari.
---

BINABASA MO ANG
ABNISM (Completed)
RandomSa buhay, dumadaan tayo sa pagkabata, binata at dalaga at hanggang sa makabuo tayo ng sarili nating pamilya. Pero sa buhay, hindi rin mawawala ang mga problema at pagsubok. Pero sa bawat problema at pagsubok, may mga paraan na mailalaan. Pero paano...