Chapter 36

117 3 0
                                    

Alyana Perez's POV

"Salamat po." Sabi ko doon sa secretary ng isang company na nagbigay sa akin ng pera.

Pagkatapos kong kausapin kahapon si Tito ay hinatid na ako ni Maquen. At kinahapunan no'n ay wala na akong masyadong ginawa at inalagaan at nakipaglaro nalang kay Angel.

Kakalabas ko lang rin sa isang kompanya na kung saan naginvite sa akin na magluto ng SBD para sa conference nila, remember Mr. Aroganza? Siya yun.

Pauwi na ako ng biglang may natanggap na naman akong text.

From: +639*********
Hi. Can you please meet me today at Amayana R? This is Dianne. I really want to talk to you. Please.

Napatingin ako sa paligid. Dianne? I remember na iniwan niya ako doon sa bahay na iyun. I know naging kasabwat siya ni Gary. But, as what I've said, let's move on.

Agad na akong nagtawag ng taxi at nagpunta na rin sa Amayana R. Hindi ako familiar sa lugar pero buti nalang at alam ni Manong drayber.

Nang makababa ako ay inabot ko na kay Manong ang bayad tapos tinignan ang pangalan ng Restaurant. Amayana R. Ah. So Restaurant nga pala ang Amayana.

Pumasok na agad ako at inilibot ang tingin sa paligid.

Nakita ko si Dianne sa isang table for two at pinuntahan na rin siya.

"Hi./Hi." Parehong bati naman sa isa't-isa.

"Liana, I'm so thankful na nandito ka. Kung ano mang nangyari noong dalawang taong--" I suddenly stopped her.

"It's in the past, Dianne. Move on." Nakangiti kong sabi.

"Tama nga si Mommy, you're so kind." Nakangiti niyang sabi.

Pero ng marinig ko ang salitang Mommy, nawala ata yung ngiti ko.

"You told me to move on. I know naka-move on ka na rin sa mga nangyayari sa past but sa inyo ni Mommy, diba past na rin yun? Bakit hindi mo parin siya mapatawad?" She slowly said.

"I tried to, Dianne. Yung nalaman kong nasa inyo siya, I tried real hard. Alam mo bang buntis ako ng mga panahong iyun? Pero nawala siya ng dahil sa kanya. Ng dahil sa pag-aalalang iiwan niya ako ulit. I tried it pero hindi e. Mas nadagdagan pa yung galit ko. Nawala ang anak ko ng dahil sa kanya." Galit na sabi ko.

"But still, it's in the past." She said straightly.

Napatingin ako sa kanya. Bakit nga ba? Bakit nga ba hindi ako makamove on sa kanya? Bakit nga ba hindi ko siya mapatawad? Nasa past na yun. Pero bakit?

"Liana, Mom wants you to start over. She knew you have talent in cooking. Gusto ka niyang i-hire bilang chief dito sa restaurant niya." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Retaurant niya?" Nagtatakang tanong ko.

"Where you are at now, sa kanya 'to. Amayana stands for Amanda and Alyana." Lumaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Kailan pa niya ito sinimulan?" Nagtatakang tanong ko parin.

"5 years na 'to." Sagot naman niya.

"We heard about your product. We want to adopt it. If you'll let us. If you'll accept our offer." Tumayo ako.

Now, I get it. This is competition. Amayana? Amayana her face. Kukunin niya ako dahil alam niyang sumikat ang product ko hindi dahil gusto niya akong magsimula sa kanya.

"Tell her, I said no. End of conversation." Tapos iniwan ko na siya.

She's still so mean. Now you tell me? Paano ko siya mapapatawad kung puro pera parin ang nasa utak niya?

ABNISM (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon