DNIB #36

36 11 3
                                        

• • •

Hoy Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hoy Diary!

Ang saya-saya ko. Hindi mapawi sa aking tuyo at bitak-bitak na labi ang matamis na ngiti. Ang sarap sa pakiramdam na bumalik na kami ni Shan sa dati, pero hindi ko pa siya sinasagot. Yun lang tipong hatid-sundo niya ako at bibilhan ng pagkain tuwing nagugutom ako. Pero, ang sakit din isipin dahil kapalit ng pagiging masaya ko ngayon ay ang pagkalungkot ni Perci. Madalang ko nalang siyang nakikita, minsan nalang siya kung pumasok at madalas ay tulog pa lagi.

Gustuhin ko man siyang kamustahin pero natatakot ako, diary. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay pinapaasa ko lang siya, pero wala namang masama kung kakamustahin ko siya, di'ba?

Gabi na ngayon at kasama kong kumakain ng hapunan ngayon si Junjun. Wala si mama dahil nandoon sa kumare niya at nanonood ng sabungan. Binitiwan ko ang hawak kong kubyertos at tinitigan si Junjun na nasa harap ko, kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik at matamlay niya. Anong problema ng batang 'to? Ba't mukang nalugi sa pansitan?

"Hoy."

Tawag ko sabay sipa sa upuan niya sa ilalim ng lamesa pero parang wala man lang naramdaman at narinig dahil tulala lang ito habang nakatingin sa pagkaing kinakain.

"Prob—," hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang umiyak.

"Ate, w-wala na kami ni Faye." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Anong wala? Ha? At tsaka sino 'yang Fayeatot na 'yan?" Naiinis kong tanong habang magkasalubong ang kilay at nakatingin sa kaniya.

"Girlfriend ko, ate. Kahapon niya ako sinagot tapos nakipag-break siya sa'kin kanina." Nagulat ako at napatakip sa bibig. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang pagtawa.

"Pfft! HAHAHAHA!"

"Ate! Wag mo nga akong tawanan dyan! Tatawanan din kita kapag naghiwalay kayo ni Kuya Shan." Bigla kong naitikom ang bibig ko at tinitigan siya ng masama, hindi nga pala nila alam na nagkahiwalay kami. Akmang lalapitan ko siya nang maramdaman ko si Owaf sa paanan ko at nagpapalambing. Yumuko ako at binuhat ito tsaka siniringan muna si Junjun bago pumanhik sa kwarto.

Nakakabadtrip!

Kinabukasan ay nagising ako sa bunganga ni mamang maihahalintulad ko sa rapper dahil sa bilis magsalita.

"Gumising ka na riyan! Hindi ka senyoritang banana para humilata maghapon dyan," napairap ako nang marinig na naman ang paboritong linya ni mama. "May naghihintay nga pala sa'yo sa baba, kaya bumaba ka na." Mabilis pa sa pagong na napabangon ako at magdire-diretso sa banyo. Oo nga pala! Susunduin ako ngayon si Shan, potek!

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon