DNIB #22

55 14 10
                                        

• • •

Hoy Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hoy Diary!

Sabi nga nila diary, expect the unexpected. Ano ba ibig sabihin nyan? Ewan ko basta, hindi ko din alam eh. Nagulat kasi ako diary. Pagkagising ko kasi ay bumungad agad sa akin yung mukha ni Shan! As in! Nararamdaman ko diary na may binabalak yata sa akin ang lalakeng 'to. Hahalikan niya yata ako diary hihihi. Kaya lang naalala kong hindi ko nga pala nagamit yung PhCare kagabi. Potek! 'Di ako nakapagsepilyo!

"Labas!" Tanging naisigaw ko nalang diary kay Shan sabay pasok sa banyo ko. Tsar! Wala akong banyo dito sa kwarto kaya lumabas pa akong silid ko. Shet! Nakakahiya! Baka naamoy niya pa yung hininga kong amoy balut hihihi. Pagtapos kong maligo at magsepilyo ay lumabas na ako. Bigla akong nahiya kay Shan dahil sa pagsigaw ko kanina. Bumaba ako at nakita kong nagkukwentuhan sila ni mama. Eh? Close to each other sila diary? Pinaningkitan ko ng mata si mama nung hinampas pa sa balikat si Shan.

"Close pala kayo ma?"

"Ay hindi anak. Ikaw naman eh, naglilihim ka na sa akin ah. May manliligaw na pala ang anak kong mukhang bakulaw." Matatouch na sana ako diary kaya lang nainis ako doon sa huling dalawang salitang sinabi ni mama. Ang sarap lagyan ng pakenening packaging tape ang bibig. Nginitian ko nalang si mama ng pilit bago tiningnan si Shan na nakatingin na pala sa akin ngunit agad na umiwas.

"Ahh... tita. Gusto ko po sanang ipagpaalam si Chuchay na kung pwede po ay sa labas kami kakain." Aaack! Pinapakilig na naman ako ni Shan! First date yata namin 'to diary. Ay ewan, basta date!

"Oh sige ba! Kahit nga hindi mo na ibalik dito si Chuchay eh." Mahal na mahal talaga ako ni mama diary. Si Shan naman ay tumingin ng makahulugan sa akin tsaka ngumisi kaya inirapan ko nalang. Nauna na akong lumabas sa kaniya at sumunod naman siya agad.

Nandito na kami ngayon sa mall. WADAPAK diary! Wala naman palang pasok ngayon dahil ibang school naman yung may laban ngayon. Tapos ang sabi pa sa akin ni Shan kahapon ay susunduin niya ako para sabay na kaming pumasok. Yun naman pala ay magdidate lang kami hihihi. Nawala tuloy bigla yung inis ko.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya kaya nag isip ako. May naisip ako diary hihihi.

"Kzha pus0h moh szempre. Ahikhikhik." Namula siya! Kinilig si Shan! Diary! Hahahaha ang lakas pala ng epekto ko sa lalakeng 'to. Ako lang 'to.(;

"Hello Shan!"

Tadhana nga naman! Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin ang magjowang si Percival at si Mae-sapok. Ay oo nga pala diary. May jowa na si Percival at ayun nga si Mae-sapok.

"Hi Mae." Bati naman ni Shan sa kaniya. Napatingin ako kay Percival ngunit agad akong nag-iwas ng tingin dahil nakatitig siya sa akin. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa dalawang nag-uusap. Hello po. Nandito pa po ako baka po nakakalimutan nyo. /_(-.-')_\

"Kayo na ni Chuchay?" Nagtaka ako sa tono ng pananalita ni Mae-sapok. Parang natutuwa siya na ewan. Basta parang may binabalak na masama.

"Hindi pa. Pero nililigawan ko na." Yieeeh. Kilig ako diary. Buti nalang ay nagpaalam narin yung dalawang epal na 'yun. Pero hindi ko talaga maiwasang magtaka lalo na nung lumapit si Mae kay Shan at bumulong. Ano kaya 'yun?

Kyoryos pussycat,
Chuchayyy

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon