[ON-GOING]
Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories
NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT.
Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay?
Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kulang na kulang pa 'yan diary para ipakita kung gaano kasakit yung nararamdaman ko ngayon. Hindi sapat para isulat yung sakit na nararamdaman ko. Kasi diary, sobrang sakit. Sabi ko nga sa'yo kanina ay ngayon lang ako nakatanggap ng ganoong kasakit na salita sa buong buhay ko. Pag-uwi ko nga kanina ay nagtaka si mama kung bakit daw mukha akong tinalikuran ng langit at lupa. Ang naisagot ko nalang ay 'kasi po ayaw nila sa katulad kong panget.'
Ang kirot nga sa heart eh. Hindi na ako makatulog kasi naiiyak ako kapag naaalala ko yung sinabi niya sa akin kanina. Ayaw ko nang sabihin yung pangalan 'niya' dahil naluluha lang ako. Anong laban ko diary? Siya na nga ang nagsabi na mukha akong halimaw eh. Na kung sino ang magkakagusto sa katulad kong isang halimaw. Naiiyak na naman ako diary. Pasok sa heart tagos sa bones. Shet! Buset! Tangnajuice! Wadapak! Paking pakening pakenening pak!
Hanggang dito nalang siguro yung istorya namin diary. Sa ngayon ay magpapahinga muna ako. Hindi ko alam kung kelan kita ulit masusulatan.
Hanggang sa muli, Chuchay...
P.s chawotski lang. Syempre hindi pa magtatapos dito no? Hindi ko pa kaya nahahanap yung poreberbabe ko.