[ON-GOING]
Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories
NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT.
Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay?
Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hoy Diary!
Normal bang hindi ako makatulog diary? Like, wadapak naman kasi eh! Nakakainis yung lalakeng 'yon! Hindi na mawala sa puso't isip ko. Wawers. Hahahaha! Pero totoo talaga diary. Seryoso ako. Huhu gusto ko nang makatulog pero hindi ako pinapayagan ng mga braincells ko! 'Hindi ka namin patutulugin hangga't hindi mo nalalaman yung pangalan niya!' Nagpagulong-gulong na ako sa matigas kong higaan na kasing kapal ng muka ng impaktang Wendy. Nabilang ko narin kung ilang buwan yung nakadikit na glow in the dark sa sirang kisame ng kwarto ko. Nakita ko pang sumilip si sadako sa butas ng kisame kaya binato ko nga ng tsinelas ko HAHAHAHA! Knock out siya eh.
Ewan ko ba diary, hindi naman kasi siya kagwapuhan. Parang kapag nakita mo, mapapa-'ah okay' ka lang. Pero hindi sakin! Iba nararamdaman ko kapag nakikita at naaalala ko siya. Malayo siya sa itsura ng BTS. So very far! Simple lang siya eh. Moreno, matangkad, at payatot. Normal na lalake lang. Hindi naman kasi ako nangangarap ng sobrang gwapong lalake.
Kinikilig pwet ko diary kapag naaalala ko yung eksena niya kanina sa sabunutan namin ni Wendy impakta. Nahawakan niya yung kamay kong magaspang! Oh I'm so kilig kilig. Hindi talaga ako makatulog diary dahil sa kilig kaya naisip kong bumaba at uminom ng kapeng barako para makatulog ako. Kinabukasan ay tinanghali ako nang gising. Ampupu naman kasi diary! Hindi ako pinatulog ng lalakeng 'yon! Nahuli tuloy ako sa klase kaya tinanong ako ni Ma'am Gagui kung bakit ako nalate, kaya ang sinabi ko ay,
"Inlab na po ako ma'am."
Ang mga buset ko namang kaklase ay nagtawanan lang. Sapakin ko sila isa-isa eh. Napairap tuloy ako ng ninety degrees. Nakakainis! Masama bang mainlab? Hindi naman di'ba diary? Mga inggit lang siguro sila.
Magandang dilag, Chuchayorpyuchur
P.s bakit yung ibang babae sobrang ganda? Samantalang ako diary, nasobrahan ng ubo sa utak.