• • •
Hoy Diary!
Walang good sa morning ko diary. Kaya morning nalang. Pano ba naman kasi magiging good umaga ko? Kung ang gigising sa akin eh si mama na parang nakalunok ng megaphone!
Wala na. Sira na buong araw ko. Tsar! Syempre hindi no! Hihi kasama ko nga ngayon si Shan eh. Pinupunasan ko yung pawis niya. Ang sarap singhut singhutin ng pawis niya diary. Amoy pabango hihi. May bago na akong kaaadikan ngayon, hindi na mikmik.
"Kinikilig ako Chuchay." Napayuko ako diary dahil sa sinabi ni Shan. Nakatitig pa sa'kin ang gwapo kaya 'di ko matingnan sa eyes.
"Tingnan mo ako Chuchay." Kinilabutan ako diary sa boses niya kaya napatingin ako. WADAPAK! Ang gwapo talaga! "Date tayo mamaya pagkatapos ng game ko ah." Aack! Pwede mo ba muna akong sapakin ngayon diary? Shet na malagket! Parang nalulusaw ang mga taba ko sa ngiti ni Shan! Huhu kinikilig ako diary! Napapikit nalang ako ng nakita kong hahalikan ni Shan yung mamantika kong noo.
"Mamaya na magharutan!" Wala na. Panira ng moment ang bitter na coach na nakainom ng kapeng barakong walang asukal. Bigla ba namang pumito at tinawag si Shan? Nabitin ako! Buset! Wala tuloy akong nagawa nung nagpaalam na si Shan. Kainis diary! Badtwip ako!
Nanood nalang ako ng laro nila. Pero infairness diary, ang galing ni Shan. Tatakbo pa siya minsan tapos biglang tatalon, shoot! Ang mga feelingerang babae na nasa likod ko ay nagtitili nung kumindat sa akin si Shan.
"WAAAAAH! Kinindatan niya ako!"
"Oy hindi ikaw 'yon!"
"SHAN GOMEZ! SHAN GOMEZ!
SHAN GOMEZ! SHAN GOMEZ!
SHAN GOMEZ! SHAN GOMEZ!
SHAN GOMEZ! SHAN GOMEZ!
SHAN GOMEZ! SHAN GOMEZ!
SHAN GOMEZ! SHAN GOMEZ!
SHAN GOMEZ! SHAN GOMEZ!
SHAN GOMEZ! SHAN GOMEZ!
SHAN GOMEZ! SHAN GOMEZ!"Ang sakit sa ears diary! Pakiramdam ko ay mababasag ang eardumset ko! Napakaiingay kasi nung mga babaita. Idagdag mo pa yung babaitang impaktang mukang butas ng pwet na si Wendy. May pabanner pang nalalaman, ang panget naman ng sulat. Muntik ko ng maintindihan diary. Inirapan ko nalang sila ng ninety degrees at nanood ulit kila Shan. Nagulat pa ako nung nakita kong naglalaro narin si Percival. Basketball player pala 'to.
Nagiging kasing hot ko ang laban diary. Isang puntos lang yung lamang ng team nila Shan laban kina Percival. Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari.
"PERCIVAL MARTIN! PERCIVAL MARTIN! PERCIVAL MARTIN! PERCIVAL MARTIN! PERCIVAL MARTIN! PERCIVAL MARTIN!
PERCIVAL MARTIN! PERCIVAL MARTIN! PERCIVAL MARTIN! PERCIVAL MARTIN! PERCIVAL MARTIN! PERCIVAL MARTIN! PERCIVAL MARTIN! PERCIVAL MARTIN! PERXIVAL MARTIN!"Ang lokong Percival naman ay ginanahan. Hindi nawala sa pangingin ko kung pano akong nginisihan ng loko. Pwes! Walang epek! Nagslow motion lang nung nginitian niya ako at parang siya lang yung nakita ko. Ehh! Erase erase!
Ang ending ay natalo sila Shan. Nakita ko pang nagusap sila at may ibinulong si Percival kay Shan. Ano kaya 'yun diary? Nagiging kyoryos pussycat na naman tuloy ako. Tapos parang nagalit si Shan dahil nagsalubong yung kilay at nagtagis yung panga.
Kyoryos pussycat,
ChumeowP.s pers date nga pala namin mamaya ni Shan, diary. Saan ko siya aayain? Gusto ko sana sa Sogo kaya lang bawal. Manonood lang naman kaming cartoons doon at kakain ng chitchirya tsaka popcorn eh. Movie marathon lang kami. Sa sinehan naman kasi ay pangit yung palabas. BABAITANG INCHIKYOR yung pamagat eh. Parang ang panget. At lis sa Sogo ay madaming cartoons na pamimilian. Di'ba diary?
BINABASA MO ANG
Diary Ng Inosenteng Babae
Roman pour Adolescents[ON-GOING] Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT. Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay? Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...