DNIB #21

54 14 0
                                        

• • •

Hoy Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hoy Diary!

Pagpasok na pagpasok ko sa bahay ay bunganga ni mama ang agad na bumungad sa akin. Napakamapagmahal talaga ng ina ko diary! Ang sarap ihagis sa kalsada! Tsar! Kaya lang napangiwi ako nang maalala kong nakafekfek short na nga lang pala ako!

"Bakit ka umuwing nakapempem shorts? Ha? Sumagot ka!" Huhu diary patulong! Hindi ko alam kung ano yung isasagot ko kay mama! "Ano? Hindi ka sasagot? Nasan na yung palda mo? Eh kung iwawala mo lang din naman pala, edi sana nagamit ko ng basahan dito sa bahay. At tsaka baket ka nga pala nakapempem shorts? Umuwi kang ganyan suot mo? Mabuti naman at hindi ka pinagpyestahan ng mga tuta ni Mareng Kutleng? Nakabakat pa 'yang matambok mong pempem!" Ay ang ingay ni mama. Napatingin tuloy ako sa fekfek ko. Bakat nga diary, slight lang! Hihihi. Namula ako bigla dahil baka narinig ng mga kapit-bahay namin ang mighty bunganga ni mama. Hindi ko na alam minsan diary kung seryoso pa ba si mama o nagbibiro nalang eh. Napa-egg roll tuloy ng ninety degress celsius yung mata ko dahil sa kabaliwan ni mama.

"SUMAKAYPOKAMINGFERRISWHEELNISHANTAPOSMAYNANGTRIPPONGLAGYANNGMIGHTYBONDYUNGUPUANKO." Pagrarap ko kaya napatunganga si mama sa akin. Napabilib ko yata dahil sa galing kong magrap. Suweg. Hindi niya yata alam na may anak siyang rapper? Tss. Nagpaalam na akong papanik kaya iniwan ko siyang tulala parin.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay humiga ako sa higaan kong kasing kapal ng pagmumuka ng babaitang impaktang mukang butas ng pwet na si Wendy. Kagigil talaga yung babaeng 'yon diary. Bumuntong hininga muna akong amoy balut bago binuksan ang lampshade ko at kinuha ang Macbook air ko. Tsar! Wala ako non.

Impit akong napasigaw nang maalala ko yung mga sinabi ni Shan kanina. Mahal na mahal niya daw ako diary. Liligawan niya daw ako diary. Ano? Inggit ka kasi wala ka non. Tse! Ay oo nga pala diary. May highschool night nga palang gaganapin sa isang linggo kaya lang magpeperiodical test muna kami diary. Kainis! Bakit kasi magtetest pa? Hindi naman magagamit sa future namin ni Shan 'yon! Tsarot! Syempre kailangan kong magsipag nuh? Magpapatayo pa kaming maganda at malaking bahay, bubuntisin niya pa ako. Tsarot! Hahahaha! Nababaliw na ako diary. Kilig to the bones! Aaack!

Wala na ako sa sarili ko diary. Nabubuang na ako! Napatayo ako ngunit kasabay 'non ay ang paghinto ng mundo ko. Wala na nga pala akong paldaaaaaaaaaa! Huhu! Lagot ako nyan! Pero okay lang din. P.e naman kami bukas, kaya lang diary, ang pakenening fekfek short nga pala ng school yung isususot! Huhu kaasar! 'Di bale na, itutulog ko nalang 'to. Baka sakaling kasal na kami ni Shan sa panaginip ko hihihi. Gudnayt diary! Hindi kita love kasi si Shan lang yung love ko, jokeness!

Sleeping pretty,
Chuchayness

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon