DNIB #8

86 22 11
                                        

• • •

Hoy Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hoy Diary!

Ang sama ng gising ko diary. Panira ng araw yung loko-loko kong kapatid. Sarap ihagis sa kalsada. Pano ba naman kasi imbes na kalabitin ako ay torotot yung pinang gising sa'kin. At dahil mabait naman akong ate ay itinago ko ang lahat ng brief niya. Hihihi. Wala namang makikita doon eh. Support pa nga ako ni mama. Ang sabi niya pa nga ay,

"Oo nga Junjun! Tama ang ate mo. 'Wag ka ng magbrief. Bawas narin 'yan sa labada ko. Tsaka maliit lang naman 'yan!" Sa huli ay ako ang nanalo. Pumasok tuloy siya ng walang brief. Pfft!

Pagdating ko sa eskwelahan ay nanibago ako. Bakit kaya ganun? Tuwing bagong taon ba nagpapalit ng mga mukha yung mga kaklase ko? Chawotski. Akala mo naman kasi diary ay ikinaganda nila yung pagiging rebonded nila. Yung iba pa nga ay may kulay yung buhok. Ako lang yata walang pinagbago bukod sa maganda parin ako at hindi naputukan. Hihihi. Yung mga lalake ay tumangkad. Pero si Je ay nananatiling Je dahil bakla parin.

Una kong hinanap si Percibabes. WADAPAK DIARY! I can't believe what are my eyes is visioning! Totoo ba 'to? Mas gumwapo si Percibabes! Pakiramdam ko ay naging slow motioning ang lahat at tanging si Percibabes lang ang nakikita ko. Omeged. The round bilog Earth is stop rolling when the eyes of us are crash. Oh I'm so magaling at english spokening talaga.

Your spokenening dollars,
Pikapikachuchay

P.s magkaklase pala kami ni Percibabes diary! Ito na ba ang simula ng lovestory namin? Kyaaaah! Kinikilig pwet ko!

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon