[ON-GOING]
Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories
NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT.
Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay?
Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hoy Diary!
"Chuchay,"
"Ayos lang ako. Wala naman akong nakita." Ang kirot ng puso ko. Nakahawak ako sa dibdib kong puro foam habang nakatayo at nakaharap kay Percival.
"Chuchay. Tara na, iuuwi na kita."
"Okay nga lang ako di'ba?!" Hindi ko na napigilang sigawan si Percival.
T#ng%n4 lang diary! Bakit niya nagawa sa'kin 'to? Alam kong panget ako at mukhang bakulaw! Pero ang sakit lang talaga. Girlfriend niya ako eh, girlfriend nga ba? Oh baka ako lang 'tong feelingerang palaka?
Ang sakit. Ang sakit sakit lang. Masakit pa sa masakit. Bakit parang ang daya? Mula sa kinatatayuan ko ngayon, kitang kita ko parin sila. Ang saya nila, diary. Nakakainggit. Pinapanood ko sila habang masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan habang magkasayawan.
Sabi niya, hindi pa siya makakauwi dahil nasa Manila pa at may pinapaasikasong papel yung mama niya, tsaka kakabasa ko nga lang din ng text niya na hindi siya pinayagan. Pero bakit nandito siya ngayon at nakikita kong seryosong nakikipagkwentuhan kay Mae-sapok? Oo, si Mae-sapok. Ang mas nagpakirot pa sa dibdib ko ay ang dahan-dahang paglapat ng mga labi nila. Putek! Kaya ba tinanong niya ako kung pupunta ako ay dahil tatakas pala siya at makikipagsayawan dito sa gagang 'to? Wow! How amazing! English yan, 'wag kang ano diary.
Niloloko na yata ako ng tadhana, diary. Bakit naman kasi ganito?
"Chuchay."
Nagulat ako at tiningnan kung sino ang tumawag sa akin. Si Percival lang pala, nakalimutan kong kasama ko nga pala 'to. Nginitian ko siya ngunit tinitigan niya lang ako. Ang ganda ko kasi eh. Unti-unti siyang lumapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko para pahirin ang luha, umiiyak na pala ako. Ano ba 'yan, hahaha. Hinawakan niya ang kamay ko at hindi na ako umangal ng sinimulan niya akong hilahin. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Percival, baka sa Sogo. So clean so good. Go to Sogo. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay lumayo sa lugar na iyon. Gusto ko pa sanang hanapin si Wendy pero wala muna akong pakielam sa babaeng 'yon.
Hindi ko na alam kung nasaan at paano kaming nakarating ni Shan— este Percival dito sa tahimik at mapunong lugar.
Ang bigat ng dibdib ko kahit flat ako. Pakiramdam ko ay may nakadagan sa dibdib ko dahil sa sakit.
"Ilabas mo, Chuchay."
Utos sa akin ni Percival pero natawa lang ako. Buang lang.
"Mabaho utot ko kaya hindi ko ilalabas, pwera nalang kung gusto mong maamoy."
Nakangiti kong biro ngunit agad ko ring kinagat ang pang-ibaba kong labi, pakyut lang. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong 'wag umiyak dahil baka makita ni Percival kung gaano ako kapangit kapag umiiyak. Tulo pa uhog ko minsan eh.