DNIB #11

57 17 2
                                    

• • •

Hoy Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hoy Diary!

Tinanghali ako ng gising diary. Huhu kasi naman eh! WAAAAH! Napaginipan ko kasi si Percibabes tapos nakatopless pa! Kitang kita ko tuloy ang kaniyang shining shimmerning splending abs! Ang cute nga eh hihi. Parang pandesal. Kaso nga lang panira si mama eh! Hahawakan ko na sana yung abs ni Percibabes kaya lang bigla akong ginising ni mama with matching palo sa pwet. Aw!

Tapos naiirita pa ako nung p.e namin. Yung panty ko kasi! Alam mo diary yung parang style Victoria Malihim? Nakakairitang suotin tapos nakashort pa kami kaya pakiramdam ko ay kinakain ng pwet ko yung panty at fekfek short namin na uniform. Ang ayaw ko pa sa suot kong panty ay kulay fucia, fuscia, fusha, puscia, pusha, pucha penk! Ewan ko kung ano ang tama dyan diary, basta kulay pucha penk.

"Miss Chuchay!"

"Ay pucha penk!" Sigaw ko dahil nagulat ako nung tinawag ako ni Ma'am Gagui.

"Minumura mo ba ako?" Tanong niya kaya agad naman akong umiling. Nakahinga ako nang maluwag dahil tinanguan niya nalang ako. Matapos non ay pinapila niya kami. Hindi ko maiwasang mapangiti diary nung nagkatapat kami ni Percibabes hihihi. Kasi di'ba Hye ako at Martin naman siya. Hihi meant to be ba kami ni Percibabes ko diary?

Habang naglalaro ng basketball yung mga lalake ay nakaupo lang ako sa isang sulok at na'kay Percibabes lang ang tingin ko. Bawat takbo niya diary kitang kita ko, pati narin yung pagtulo ng pawis niya. Kung pwede ko lang sanang punasan eh. Haaay inlababoy na nga yata talaga ako. Pero diary! Ewan ko ba pero parang may nakaumbok sa gitna ng short ng Percibabes ko. Ano 'yun? Bakit parang may patake-out ng hawtdog si Percibabes ko sa canteen? Hihihi mahilig din pala siya sa hawtdog. Gusto ko nga sana isigaw kanina diary kay Percibabes na 'huy Perci yung hawtdog mo!' Kaso 'wag nalang. Nahihiya ako eh hihihi.

Sexy,
Chucharap

P.s nipakyuhan ako ni Percibabes kanina nung sinigaw ko yung tungkol sa patake-out niyang hawtdog, hindi ko mapigilan itong bungangers ko eh. Ewan ko ba diary, pero parang mas nahulog ako kay Percibabes nung nipakyuhan niya ako hihihi.

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon