[ON-GOING]
Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories
NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT.
Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay?
Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hoy Diary!
Bakit kaya ganun kapag unang araw ng klase diary? Nauuso na naman yung bagong crushszx. Lalo na yung mga kaklase kong malalandede! Hay nako. Mga nagpapapansin kay Percibabes ko. Eh kung painumin ko kaya ng zonrox with a mixing mixture of muriatic acid yung mga babaeng 'yun? Sherep. Masubukan nga pero ang babaeng impaktang mukang butas ng pwet na si Wendy ang uunahin ko. Hihihi.
Wala namang bago sa unang araw diary eh. Intwodus yorselp lang ginawa buong araw. Tapos nagpakilala din yung ibang teacher namin. Si Ma'am Ponciana Casaquit ang adviser namin. Tapos yung iba ay sila Sir Florencio Augustus Dimaraanan, Ma'am Marietta Dimaunahan, Sir Francisco Debil, Ma'am Lovely Gagui, at Sir Wilson Lumacad.
Hindi nga lang ako makapagfocus kasi I'm is very distracted by my Percibabes. Nasa likod ko kasi siya kanina. Kaya hindi ako masyadong makakilos. Pakiramdam ko nga diary, pinagmamasdan niya yung bawat galaw ko ih. Hihihi. Good girl kaya po ako po.
Nung mag-uwian na, nakita ko na naman sila Percibabes with his tropa doon sa peberit tambayan nila. Nagulat pa nga ako diary noong tinawag pa ako nung isang kaibigan niya eh. Ni hindi ko nga kilala 'yun eh. Hay nako diary. Unti-unti na yata nilang nakikita yung kagandahan ng isang Chuchay Lin Hye. Pwes! Kay Percibabes lang ako.