DNIB #47

71 2 0
                                    

• • •

Psst, Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Psst, Diary!

Ang sarap sa pakiramdam na masaya mong pinakawalan yung taong mahal mo. Yung kahit masakit gawin pero kung 'yun yung makabubuti para sa inyong dalawa.

Haaay... hingang malalim. Bakit ba kasi ang sakit magmahal, nuh? It r3aLly hUrtsz.

Basang basa akong umuwi sa bahay. Mabuti nalang at wala rin si mama dahil panigurado ay makakatanggap na naman ako ng shot gun, ya know whut I'm saying gurl! Ang bunganga ni mamang parang shot gun.

"Ate! Tara Tiktok tayo ng It Really Hurts!"

Pinaningkitan ko ng mata si Junjun. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at hinamon siya ng suntukan. Nakakainis, eh! Ikaw ba naman yung ayaing sumayaw 'non tapos kakagaling mo lang sa heartbreak? Awts peyn, di'ba?

"Sus! Ayaw pa. Heartbreak Anniversary nalang."

"Aba't!"

Dahil sa inis ko ay hinubad ko ang tsinelas kong Gucci na binili sa divisoria. Hinagis ko iyon kay Junjun at ayun, sapul ang Junjun 'nyo. Nagtatakbo na ako papunta sa kwarto ko at nilock ang pinto. Hindi na ako nag-abala pang maligo, kaagad akong nagpalit ng damit at pabagsak na humiga sa kama.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-selfie ng nakahawak sa ulo with hastag, #Chuchaynyopagodna. Wala pang limang minuto ay halos sumabog na ang notification ko. Ang dami kong likers, haters, commenters, and sharers.

"Hala girl, laban lang."

"Panget mo naman! Mukha kang hatdog na hilaw!"

"Your pain will always be worth it. Always remember that if things get worse, drink redhorse."

Napangisi ako nang mabasa ang panghuling comment. If things get worse, drink redhorse. Oras na yata para maglasing ako. Sana lang kapag nagpunta ako sa bar, may gwapo akong makikita tapos siya yung mapagsasabihan ko ng problema ko. Tapos 'yun pala ay broken din siya katulad ko. In the end, magkakaintindihan kami.

"Ate? Pwedeng pumasok?"

"Sa puso ko? Bawal. No ID, No Entry."

"Baliw ka nga." Binuksan niya ang pinto at nanatiling nakasilip doon. "Sabi ni lola masama daw maligo sa ulan ang mga may dalaw. Mababaliw daw kasi kapag naligo."

"Baliw na talaga ako dati pa."

"Buti alam mo ate."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon