[ON-GOING]
Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories
NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT.
Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay?
Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hoy Diary!
Ano ng gagawin ko? Huhu, buset naman kasi si Percival eh! Bigla naman kasi akong iniwang tulala pagkatapos niyang sabihin yung 'be my date, tomorrow'. Tomorrow tomorrow pa siya, sana 'di na siya sikatan pa ng tomorrow. Nakakalito! Ganito ba talaga kapag maganda? Ahihi, ako lang 'to.
Bumuntong hininga muna ako bago pumasok sa bahay, hindi ko na pinansin si mama na naghihiwa ulit ng talong, baka mamaya, pemperepempem ko pa ang maisipang hiwain ni mama eh, sayang ang PhCare, wala nang paggagamitan. Mabilis akong tumakbo papanik sa kwarto ko kaya lang nasubsob pa ako dahil sa buset na flying ipis na hinabol ako. Hmp! Mabilis kong sinarado ang pinto bago pabagsak na dumapa sa kama. Awts! My baby booboo! Naipit ang aking booboo! Tsar! Nagbihis muna akong pambahay bago bumaba.
"Mama. Anong gagawin mo kapag may nag-ayang makipagdate sa'yo?" Tanong ko habang kumakain ng lumpiang gulay.
"Edi gora! Bakit pa ako tatanggi kung may makikipagdate sa'kin? Sa ganda ko ba namang 'to."
Napailing nalang ako at ininom ang sukang natira sa mangkok. Kahit kelan talaga si mama. Tss. Nang maubos ko ang kinakain ko ay umakyat na ako sa langit. Tsar!
Anong gagawin ko diary? Ni hindi na ako nakatanggi kay Percival dahil umalis na siya agad. Hindi ko nga rin alam kung pupunta pa ako bukas dahil wala naman akong makakapartner doon dahil wala parin si Shanibabes ko eh. Hmm! Bahala na.
Pinagmasdan ko ang damit na susuotin ko bukas. Kulay puti ito at may mga disenyong kumikinang kapag natatamaan ng liwanag. Ang ganda potek! Kaya lang... mas maganda sana kung makakasama ko si Shan bukas.
"Arf!" Napatingin ako kay Owaf at naramdaman kong kinikiskis niya ang sarili sa binti ko, nagpapabuhat ang bebe ko kaya binuhat ito.
"Owaf my baby! Namiss mo ba si inay?"
"Arf! Arf!" Aawww... ang ganda ko daw diary. Binaba ko siya sa higaan ko at nilaro-laro.
Sa kalagitnaan ng pakikipaglaro ko kay Owaf ay tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Ikaw_l4ng_kZhapat_na_Shanibabes is calling...
Hala shet! Si Shan! Nanginginig ko itong sinagot dahil sa saya.
"Hello baby ko!" Masigla kong bati pagkasagot ko ng tawag. Narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya. Hihihi ang pogi niyang tumawa.
"Hello babe, kamusta na?"
"Okay naman. Miss ka na namin ni Owaf. Ikaw kasi eh, ang tagal mo ng wala."
"Pasensya na ah. Madaming pinapaasikaso si mama eh. Nga pala, bukas na yung highschool night ah? Pupunta ka ba?" Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Naalala ko bigla si Percival.