DNIB #3

158 30 21
                                        

• • •

Hoy Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hoy Diary!


Grabe talaga kanina! Hindi ako makaget over doon sa lalakeng 'yon. Dahil sa kakaisip ko sa kaniya ay napakain tuloy ako ng chicken hotdog, yung kulay brown? Mas gusto ko kasi yung chicken hawtdog kesa sa original hackdog. Ha? Hakdog.

Katabi ko ngayon si Je, nag-iisa kong kaibigang bakla.

"Ay hala shet!" Sigaw nito kaya sinutsutan ko. Napakaingay kasi. Kanina pa siya sigaw nang sigaw ng ganyan.

"Hoy! Kaingay mo bakla." Aba't inirapan lang ako!

"Alam mo, dahil sa kainosentehan mong 'yan. Hindi ka na nakakasabay sa takbo ng bilog na Earth. Try mo din kaya magwattpad?"

"Huh? Wattpad? Ano 'yon?" Tanong ko at ipinakita naman niya. "Ayan? Bakit mukhang Meralco? Anong binabasa mo dyan? Mga bayarin nyo sa kuryente? Mga utang nyong hindi pa nababayaran?" Sunod sunod ko namang tanong, kulay orange kasi eh. Ang bakla naman, binatukan lang ako.

"Gaga! Anong Meralco ka dyan? Story binabasa ko! Possessive series!"

"Huh? Possessive? Di'ba ayun yung mga sinasapian?" Nakatanggap ako ng ikalawang batok.

"Tanga! Possession 'yon!" Ang gulo talaga ng bakla na 'to diary nuh? Napasimangot nalang ako at yumukong kumagat sa hawtdog ko. Pag-angat ko ng tingin ko ay nanlaki ang mata ko dahil nakita ko na naman siya! Yung walking anime diary! Shet! Parang gusto ko tuloy siyang sigawan at tanungin kung gusto ba niya ng hotdog ko. Huhuhu. Pwede ba diary? Tatanungin ko lang naman eh. Ayaw niya non? Share kami sa hotdog ko? Hihihi.

Kumain ng hotdog,
Pikachuchay

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon