DNIB #4

130 28 9
                                        

• • •

Hoy Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hoy Diary!

Late na ako nakapasok ngayon dahil napuyat ako sa gala namin ni Jebaks kahapon. Maaga kasing nagpauwi kahapon dahil naaksidente si Sir Francisco Debil. Pagdating ko sa eskwelahan ay nagkakagulo sa gym. At dahil isa akong kyoryos na pussycat ay lumapit ako doon. Pinilit kong ipinagsiksikan ang sarili ko kahit sa huli ay masasaktan lang ako. Jok onle.

May laban nga pala ng basketball ngayon. Etong school namin at yung kabila. Nahagip ng tingin ko yung living anime! Hanlaaa! Ang pogi talaga! Huhu. Umalis nalang ako doon kahit masakit sa akin ang iwan ang crushszx ko. Nakakainis naman kasi yung mga babae don! Hindi naman ako basura para maapak-apakan nila doon eh.

Wala akong nagawa kundi ang tumambay sa canteen. Kumain nalang ako ng peberit kong hawtdog. Wala kasi si Jebaks ngayon dahil nagtatae. Nasobrahan yata sa kinain namin kahapon. Pfft!

Hapon na nang magtawag ulit ng klase. Napangiwi nalang ako dahil si Ma'am Ponciana Casaquit pala guro namin ngayon. Mapanakit kasi 'yan. Yung tipong nakatulala ka at namamasyal yung utak mo tas bigla ka nalang tatawagin. Iskere!

Buti nalang at medyo goods pa si ma'am ngayon diary dahil pinagsulat lang kami. Phew! Nung hapon na ay umuwi agad ako dahil hindi naman pumasok si Je. No Jebaks, no gala.

Dyosa ng mga inosente,
Dyosang Chuchay:)

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon