DNIB #45

6 1 0
                                        

• • •

Psst, Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Psst, Diary!

Sabado. Ang araw ng magaganda.

Matagal tagal kitang hindi nasulatan. Nakakabadtrip naman kasi si mama eh. Ang tagal kitang hinanap tapos nakita ko nalang na binabasa ka na pala niya. Alam mo bang ang daming nangyari?

Hays. Aabutin tayo ng a thousand years kapag kinwento ko sa'yo. Pero hayaan mo na.

Hihi. 'Wag kang magugulat diary, ha?

Bulaga!

Champion tayo sa pageant! Kaya ayun, sobrang saya ni ma'am sa mga nakuha niyang floor wax, ipapampahid siguro sa mukha niya nang kuminis kinis naman.

Tapos alam mo ba, diary? Syempre hindi. Ahihi naka Iphone pro max 2013 na ako. Kaya lang full storage na agad, puro selfie ko eh. Gusto mong ishare it ko sa'yo? Luh. Asa ka.

Ang dami kong kwento sa'yo diary kaya lang may pupuntahan kasi ako eh. Inaya ako ni Perci na mag-Sogo! Este mag-mall pala, hihihi.

"Chuchay! Lumabas ka na riyan at hinihintay ka na ni Perci!"

Umirap nalang ako at nagpatuloy na sa pag-aayos. Syempre kailangan beautiful to the back and front ako ngayon. Nang magsawa kakaayos sa wala sa ayos kong pagmumuka ay lumabas na ako. Nadatnan ko pang nakaupo si Perci at katabi si Junjun na parehong naglalaro ng kung ano sa telepono.

"Ano? Ha? Kala mo matatalo mo 'ko?" Hamon ni Junjun.

"Wag kang magulo."

Tumayo ako sa harapan nila at nagpamewang. Mukhang napansin ni Junjun ang kuko kong bagong cutix kaya tumingala siya sa akin at ngumiwi. Samantalang si Perci naman ay seryosong seryoso sa nilalaro.

"Ayon!" Gulat kaming napatingin ni Junjun sa kaniya dahil bigla nalang itong sumigaw. Nang makita niya ako ay nahihiya siyang ngumiti sa akin at napakamot ng batok.

-

"Ano ba?" Inis kong singhal kay Perci na katabi ko ngayon sa jeep. Grabe naman kasing makaasog sa tabi ko eh.

"Ate boyfriend mo?" Biglang tanong ng babae sa harap ko. Akmang sasagot ako ngunit naunahan na ako ng bwisit na lalaking katabi ko.

"Oo ate. Bagay kami, di'ba?"

Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig dahil sa isinagot niya. Inakbayan pa ako ng loko pero hindi ko magawang pumalag dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Perci.

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon