DNIB #41

5 1 0
                                    

• • •

Psst, Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Psst, Diary!

Sa dinami rami ng pwedeng isipin, ngayon palang ay pinag-iisipan ko na kung paano kong makukuha ang lahat ng kulangot ko mamaya. Takte naman kasing tambutso 'to! Saktong sakto naman kasi sa muka ko eh! Singhooot na singhot ko ang maitim pa sa kili-kili kong usok nito.

Nakakainis kasi si Perci. Imbes na ako yung paupuin doon sa talagang upuan ng tricycle, dito ako pinapwesto ng bwisit sa maliit na upuan sa tabi ng drayber. Napaka-maginoo, tss.

"Aray ko bwisit!" Napahawak ako ng mahigpit sa hawakan dahil pumreno ng malakas ang tricycle pero nauntog naman ako sa bakal. Pakiramdam ko, magkaka-amnesia ako sa lakas, diary. Ikaw ba naman mauntog ng malakas sa bakal. Ewan ko nalang kung matino parin isip mo. Naramdaman kong medyo sumasakit yung parte ng noo ko na nauntog kaya hinawakan ko iyon.

"Ay ang gaga!"

"Ano ba? Kanina ka pa sigaw nang sigaw dyan."

Nilingon ko si Perci at hinawi ang buhok ko na tumatakip sa malaking bukol sa noo ko. Nakita ko kung paanong lumaki ang mata niya at unti-unting lumobo ang pisngi habang nakagat sa labi.

"Ano pagtatawanan mo pa akong gag—,"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nalang niya akong hilahin. Inipit ang leeg ko sa kaniyang kaliwang braso bago ako may maramdamang malamig at matigas na bagay kung saan naroon ang bukol ko sabay diin niyon kaya napasigaw ako sa sakit.

"Aray koooooo! Bwisit ka, bitiwan mo ko!" Takte diary. Naluluha na ako sa sakit pero ayaw parin akong bitiwan ng gago. Kada papalag ako ay mas humihigpit ang pagsakal niya sa akin.

"Kung hindi ko gagawin 'to, lalaki nang lalaki 'yang bukol mo." Pangangaral niya. "Hingang malalim." Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Huminga ako nang malalim at ganoon nalang ang ginawa kong pagkapit sa braso niyang nakasakal sa akin nang muli kong maramdaman ang pagdiin niya sa bukol ko ng matigas na bagay na hawak niya.

Halos maiyak ako sa kirot, diary. Nakahinga na ako ng maluwag nang bitiwan niya ako. Muli kong hinawakan ang bukol ko at ganon nalang ang pagkamangha ko dahil umimpis ito.

"Alam mo Perci? Bagay sa'yo magdoctor." Suhestiyon ko pagkababa ng tricycle habang hinihintay siyang suklian ng drayber. Rich kid ang loko dzhai! Paybhandred ang binayad!

"Bakit naman?"

"Mmm..." umakto akong nag-iisip tsaka siya hinarap. "Bagay sa'yo." Nakangiti kong dugtong at tsaka siya hinila papasok ng paaralan.

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon