DNIB #33

46 12 12
                                        

• • •

Hoy Diary,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hoy Diary,

Sabi ng iba kapag niloko ka sapakin mo. Pero hindi ko kayang gawin 'yon kay Shan. Ang hirap lang kasing tanggapin diary na niloko niya ang isang katulad ko. Hanggang ngayon ang hirap parin kasing tanggapin. Hindi ko alam kung totoo ba lahat ng mga ipinapakita niya sa akin o pagpapanggap lang ba ang lahat ng iyon para maging sila ni Mae-sapok. Ang lakas talaga ng sapak nung babaeng yun eh. Kaya pala nakipaghiwalay kay Percival ang gagang malakas ang sapak.

Hindi ko alam kung gaano katagal na, pero mula nung gabing iyon ay hindi ko na siya nakita pa. Pero kung ako ang tatanungin diary ay hindi pa ako handang makita siya ulit. Ayaw ko pa dahil sa tuwing naaalala ko yung mga nakita at nalaman ko nung gabi na iyon ay nasasaktan ako.

"Tara na Chuchay." Tawag sa akin ni Percival at walang pagpapaalam na kinuha ang bag ko. Magnanakaw pa ata ang gago. Simula diary nung nangyari yung gabi na iyon ay lagi na kaming magkasama ni Percival. Magkaibigan lang kami, 'wag kang ano dyan. Tusukin kita ng stick ng hakdog ko eh.

"Oh, umiiyak ka na naman." Sabi niya na ikinagulat ako kaya dali-dali kong pinunasan ang luha ko.

"Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang umiiyak. Alam mo yun?" Natigil ako sa pagsinghot ng uhog ko at napayuko. Saglit kaming natahimik bago niya binasag ang mukha ko este ang katahimikan pala.

"Chuchay, kilala mo ba kung sino yung crush ko?" Biglaan niyang tanong habang naglalakad kami pauwi. Oo diary, hatid sundo niya ako. Swerte ko talaga kay Percival, sana lang talaga diary ay siya nalang yung nagustuhan ko. Pero kasi, hanggang ngayon ay si Shan parin eh. Lumipas ang isang linggo pero hindi parin nawawala yung pagmamahal ko sa kaniya. Hindi ako malandi nuh?

"Sino nga ba?" Tanong ko naman matapos kong lunukin ang chicken hakdog. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa.

"You." Nagtaka ako, You?

"Wow! Ano siya? Chinese?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Baliw ka talaga." Napanguso ako. Paano akong naging baliw sa sinabi ko? Tama naman ah? May You naman talagang apelyido na Chinese. Hay nako Percival ka talaga. "Habang papatagal ay mas lalo akong nahuhulog sa'yo. Isa 'yang pagiging masyadong inosente mo ang nagpahulog sa akin." Psh. Ayan na naman 'yang inosente na 'yan. Alagad ako ni Inang Cecelib! Joklang!

"Chuchay, papayag ka ba kung manliligaw ako sa'yo?" Owmay! What I do? I don't have think, diary! Help me! Tsar. OA ko. Hindi ko alam diary kung ano isasagot ko kay Percival. Kapag kasi tumanggi ako ay masasaktan ko na naman siya. Kapag naman pumayag ako ay hindi ko alam kung kaya ko bang ibigay sa kaniya itong puso ko. Pwede kaya kahit yung apdo nalang yung ibigay ko? O kaya ay yung bato ko nalang? Hayst. Ang hirap kasi talaga kapag masyadong maganda. Pinag-aagawan tuloy ako ng dalawang gwapong lalaki dito sa Earth.

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon