• • •
Hoy Diary!
Ang saya saya saya ko diary! Ang dami naming pinuntahan ni Shan! Pumunta kaming Sogo at motel, tsar! Pero ang saya ko talaga ngayon. Hihi binilhan nga din pala ako ni Shan ng palda, kasi nga di'ba napunit yung uniform ko. Buset naman kasi kung sino man yung baliw na gumawa non. Mapunta sana sa langit pero dapat ihulog din.
"Oh." Napatingin ako sa kaniya nang inaabot niya sa'kin ang yummerness ice creamness.
"Thank you Shan."
Habang kumakain kami diary ng ice cream ay namamasyal kami. Syempre, HHWW. Holding Hands While Walking hihihi. Iniirapan ko yung mga babaeng masamang nakatingin sa akin. Pake ko sa kanila? Mga mukang paa!
"Chuchay, ano palang gusto mo sa birthday mo? Sa pagkakaalam ko, sa susunod na linggo na 'yun ah?" Hala! Pano niya nalaman?
"Sinabi ni mama sa'yo nuh?" Aha! Huli ka balbon! Sinabi nga diary ni mama. Hindi na ko magtataka, si mama pa. Nangunguna sa pinakamadaldal sa Barangay Bulalacao yun eh.
"Oo. Kanina nung nagkukwentuhan kami. Tinanong ko din kasi sa kaniya."
Napansin ko diary na parang nag-iba yung itsura niya. Parang nagmumukang halimaw. Tsar! Pero may iba nga sa ngiti niya diary.
"Hoy. Anong nginingiti-ngiti mo dyan? May kinuwento si mama sa'yo nuh?"
"Oo eh. Nung bata ka daw kasi ay bungal ka. Pinakita sakin ni mama yung litrato mo dati." Ay wow, mama narin tawag niya diary hihihi.
Amporkchop! Pinakita ni mama yung mga larawan ko dati? Shet!
"Wag ka mag-alala dahil hindi kita tinawanan." Nakahinga naman ako nang maluwag diary. Kaya lang, itinaas ni Shan yung telepono niya at iwinagayway sa harap ko. Kinuhanan niya ng litrato yung mga picture ko!
"Loko ka Shaaaaaan! Bumalik ka dito!" Tinakbuhan ba naman ako diary? Hinabol ko tuloy siya kaya pinagtitinginan na kami ng mga tao. Feel ko diary pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa taglay kong beauty hihi. Nang mapagod ako ay umupo ako sa bench na malapit sa fountain. Hinihingal ako diary. Buset na lalakeng 'yon.
"Mama may shokoy!" Napakabuset na bata! Ituro ba naman akong tahimik na nakaupo dito? Lunurin ko pa siya eh. Pumapatol ako sa bata, kala nya ah.
Ilang minuto pa ang lumipas bago bumalik si Shan pero nagulat ako nang may dala siyang isang bungkos ng bulaklak. Omayghad! Napayuko ako habang papalapit siya sakin.
"Chuchay." What I do, diary? I don't have think. "For you."
Halaaaaaa! Pakiramdam ko diary ay nagwawala ang aking heart. Keshe nemen se Shen eh, nepepekeleg eke ehehehehe.
"Salamat Shan." Aaack! Feel ko diary muka na akong bulok na kamatis dahil sa pula ng aking magandang pagmumuka. Kalma ka lang pempem este heart pala hihihi. Naiihi ako sa kilig diary eh. Nakakairita yung mga babaeng ang sama ng tingin sa'kin! Mainggit kayo! Dzuh!
Matapos non ay umuwi narin kami, syempre hinatid ulit ako ni Shanimyloves.
"Hindi ako magsasawang ligawan ka Chuchay hanggang sa matanggap ko ang matamis mong oo." Ahihi kinikilig na naman ako diary. Pede pasapak?
"Oo na. Alam ko namang hindi ka magsasawa dahil sa ganda kong 'to eh."
Tinawanan lang ako ng bakulaw.
"Sunduin kita bukas ha, 'wag na magpuyat."
Nagpaalam na siya kaya pumasok narin ako ng bahay. Hindi mawala ang ngiti sa aking malaanghel na muka diary. Ang bilis din ng tibok ng heartbeat ko. Ganito pala ang feels kapag inlababoy nuh?
O'sya, bukas nalang ulit ha.
Maganda as olweyzs,
Chuchanginers
BINABASA MO ANG
Diary Ng Inosenteng Babae
Dla nastolatków[ON-GOING] Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT. Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay? Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...