DNIB #43

8 1 0
                                        

• • •

Psst, Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Psst, Diary!

Ang hapdi na ng mata ko pero ayaw pa rin tumigil ng luha ko. Ilang oras na akong umiiyak, kung pwede ko nga lang dukutin 'tong mata ko edi ginawa ko na.

Bakit kasi ang sakit magmahal?

Kaya siguro mas pinipili nalang na maging single nung iba ay dahil napapagod na rin silang masaktan. Hay... pag-ibig nga naman. Totoo na talaga 'to diary. Simula ngayon ay magmomove-on na ako kay Shan. Sa tagal kong pag-iisip ay hindi ko namalayang nakatulog na ako.

Kinabukasan ay nagising na ako sa katotohanang nakalimutan ko na si Shan, tsarot. Nagising ako dahil may nararamdaman akong dumidila sa paanan ko. Psh, si Owaf lang yan. 'Wag kayong ano. Sinubukan ko siyang sipain, pero ang tuta, nasarapan yata sa paa ko. Wala na akong nagawa kundi tumayo nalang at maligo.

Nakakabwisit naman kasi yung pageant pageant na 'yon! Kung pera sana mapapanalunan doon, okay pa eh. Why not na hindi ako sasali? Like duh! Itong beauty kong ito? Hindi ko ikakalat? No way! Pero futeneners lang, diary. Dalawang ceiling fan, isang kahon ng chalk, isang pirasong blackboard eraser, dalawang bote ng sabon panglinis sa banyo, at isang tali ng basahan yung prize. E' kung si ma'am nalang kaya yung isali ko dun? Psh!

Hindi ko namalayang pinanggigigilan ko na pala yung batong panghilod na hawak ko dahil sa sobrang inis. Kaya ayun, bigla akong namuti. Nagbanlaw na ako at nagbihis tsaka bumaba para kumain.

"Sino ka?! Anong ginawa mo sa anak kong mukang mangkukulam?" Histerikal na sabi ni mama habang ginagawang espada ang hawak niyang sandok na nakatutok sa akin.

"Ma, naghilod lang ako." Walang gana kong sagot at kumuha ng mangkok para maglagay ng champorado. Napansin kong natahimik si mama kaya tiningnan ko ito.

"Ay... oo nga. Ilang taon ba namang hindi maghilod, isang sakong libag siguro maiipon mo." Hindi ko nalang siya pinansin at inubos na ang kinakain. Inpeyrness, diary. Ang sarap ng champorado ni mama. Nakailang ulit pa ako ng kain, kung hindi lang siguro dumating si Perci para sunduin ako ay hindi pa rin ako tapos.

Hindi ko talaga maiwasang mabwisit habang naglalakad kami. Panay tingin kasi nung mga tao sa amin, inggit sa beauty ko. Psh!

"Hi pogi!" Sigaw nung malanding bakla dito sa'min. Ang Perci nyo naman, todo kung makangiti. Yuck! At kinindatan pa ng loko! Iniwan ko nalang siya at tumakbo papunta sa kanto.

"Chuchay! Hintayin mo 'ko!" Sigaw niya habang tumatakbo palapit sa akin.

Agad akong pumara ng jeep at mabilis na sumakay. Psh. Kindat kindat ka pa ha? Buti nga sa'yo.

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon