DNIB #40

11 1 0
                                        

• • •

Psst, Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Psst, Diary!

"I wanna be a tutubi na walang tinatagong bato, na nahulog sa lupa, tinuka ng manok, nasaan ang bato? Nasa buuuuun-dok!"

"Langit, lupa, impyerno! Saksak puso tulo ang dugo. Patay, buhay, umalis ka na sa pwesto mong mabaaaa-ho!"

"Jollibee, Jollibee, umutot si Jollibee. Nagpalit ng panty, nakita ng drayber, "Wow sexy!"

"Bilog, bilog, bilugan! Assignment, assignment, suntukan. Ayun si palaka. Walang kaawa-awa. A-bukaka, a-bukaka. Siyang palaka!"

Napairap nalang ako sa ingay ng mga batang naglalaro sa harap ng bahay namin. Ang hirap pala na habang nag-eemote ka, ang iingay ng nasa paligid. Hindi ko tuloy madamdam yung pag-iyak ko. Sa ilang oras kong pagkukulong dito sa kwarto, isang luha palang yata yung pumapatak. Nahahawa kasi ako sa kinakanta nung mga bata. Pati tuloy ako napapasabay.

"Nak, Chuchay? Aba at kailan mo pa balak lumabas diyan sa kwarto mo?" Tanong ni mama sa labas.

"Wala akong balak lumabas, ma. Tsaka, ang mga broken ay kailangang magkulong sa kwarto." Matamlay kong sagot at tsaka patalong dumapa sa higaan, isinubsob ang mukha sa unan at doon umiyak. Mula kagabi ay hindi pa ako lumalabas ng kwarto at wala talaga akong balak. Kaninang umaga ay pumunta pa dito si Perci at pinipilit akong pumasok pero ayaw ko talaga. Wala na akong balak mag-aral, mag-aasawa nalang ako ng engineer na umiigting ang panga sa future.

"Edi dapat pala hindi na kita inire kung wala ka rin naman palang balak lumabas diyan?"

"Anong connect, ma?"

"Parang kayo ni Shan, anak. Walang connection." Napabangon ako at mabilis na binuksan ang pintuan. Hindi ko napigilang panlisikan ng mata si mama dahil sa sinabi niya. Matapos niyon ay muli ko iyong sinara at kinandado tsaka dumapa at naglupasay sa kama.

Nakakainis naman kasi si mama, eh!

Nang dahil sa pag-iyak ko ay nakatulog na ako. Nagising ako kinabukasan dahil sa tilaok ng manok, pero wala parin akong balak pumasok.

Kokorokooook~~~

Inis akong napabangon at balak ko sanang prituhin yung manok na 'yon kaya lang naalala kong lalabas nga pala ako ng kwarto para maluto yung manok, 'wag nalang pala.

"Ay takteng muka 'yan." Huhu nakakagulat, diary. Paglingon ko ay may salamin pala sa tabi ko tapos akala ko kung sino yung nakatingin sa'kin na mukang baliw. Ako lang pala. Hindi ko tuloy napigilang titigan yung sarili ko.

Mapayat, maputi, singkit, napakadaming tigyawat, maitim ang ilalim ng mata, kulay pink ang buhok at higit sa lahat, ang panget ko. May mapait na ngiti ang sumilay sa labi kong El Niño sa sobrang tuyo nang pumasok sa isip ko ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa akin si Shan.

Ang panget panget ko kasi.

Naiiyak na talaga ako minsan, diary. Hindi ko lang sinasabi kila mama dahil ayaw kong kaawaan nila ako. Mula palang kasi bata ako ay tampulan na ako ng tukso. Yung bang papasok na nga lang, may mantatalisod pa. Kakain na nga lang, bubuhusan ka pa ng mainit at bagong kulong sopas. Nakakapaso kaya 'yun, diary.

Pero yung pinakamasakit talagang nangyari sa akin ay mismong kaibigan ko pa yung nagsabi sa akin ng masasakit na salita. Hindi si Je 'yon, ha. Pero wala, eh. Tinanggap ko nalang. Iyon ang katotohanan at nakikita nila sa akin. Baka naman diary'ng iniisip mong nagda-drama ako ha? Sinasabi ko lang 'to para alam mo din.

At tsaka nga pala. Hindi ko alam kung anong klaseng kabobohan at kabaduyan ang sumanib sa akin at naisip kong magpakulay ng buhok nung elementary. Ang pinakamalala pa ay kulay pink ang pinili ko. Siguro dahil dala nalang din ng kabaliwan ko. Kaya ayun, hanggang ngayon ay ito parin ang kulay ng buhok ko.

"Chuchay..." natauhan ako nang may marinig na nagsalita sa pintuan. "Pede apasok?"

"Ha? Anong pede apasok?"

"Sa puso mo."

Nagkusa ang katawan kong buksan ang pinto at batukan si Perci. Isasara ko na ulit sana iyon ngunit nagtaka ako dahil ayaw lumapat ng pintuan. Isa, dalawa, tatlo hanggang umabot ng limang ulit ng pilit kong pagsara sa pinto ay ayaw talaga. Tumingala ako pero wala namang nakaharang sa taas. Ngunit nang yumuko ako ay nagulat at nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa paa ni Perci na nakaharang doon.

"Aray." Mahina at walang emosyong aniya pero ramdam ko ang sakit.

"Aaahh... hehe. S-sorry, Perci." Napapahiya akong nanghingi ng tawad at inakay siya patungo sa sala. Hindi ko na pinansin ang hindi makapaniwalang tingin nila mama at pinaupo nalang si Perci tsaka kumuha ng yelo.

"Tsk. Baliw ka." Paninisi ko pa habang dinadampian ng yelo ang kaniyang paa.

"Sa'yo? Oo, baliw na baliw ako." Napahinto ako. Hindi ko inaasahang isasagot niya iyon. Biro niya lang 'yon, diary. Bawal marupok! Para makaganti, idiniin ko ang hawak kong bimpo na may yelo kaya napasigaw sa sakit ang loko.

"Ano? Magbibiro ka pa ng ganon?" Panghahamon ko.

"Hindi na yes po." Kung hindi lang talaga kami pinapanood ni mama. Naku, diary! Baka naflying kick ko na 'tong lokong 'to. Dadaigin ko pa red horse sa pagsipa.

"Papasok ka na ngayon sa ayaw at sa gusto mo." Mariing wika ni mama habang kumakain kami ng umagahan. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Junjun kaya pinaningkitan ko ito ng mata.

"Ako na po ang bahala sa anak ninyo, Tita Cynthia." Sabat ni Perci kaya nabitawan ko ang kubyertos.

"At kelan mo pa naging tita si mama? Ha?"

"Ano ka ba anak," napairap ako nang sumingit si mama. "Hindi ko lang mabanggit sa'yo dahil maghapon at magdamag kang nakakulong sa kwarto mo. Si Perci ang naghatid sa'yo sa ospital nung araw na himatayin ka. Siya din ang nagsabi sa akin na nasa ospital ka, binantayan ka pa niyan kapag umuuwi ako at napapaaway."

Napabuntong hininga ako at napatingin kay Perci na ngayon ay nakayuko at hindi mapigil ang ngiti.

"Salamat." Pagkasabi ko 'non ay umakyat na ako at naligo. Kanina, habang ikinukwento ni mama yung mga ginawa ni Perci. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kumikiliti sa tiyan ko. Pakiramdam ko ay maiihi ako sa hindi malamang dahilan. Bigla din bumilis ang tibok ng puso ko. Diary, kinakabahan ako. Baka may bulate na sa tiyan ko.

Napapaisip habang naliligo,
Chuchay

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon