[ON-GOING]
Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories
NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT.
Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay?
Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hoy Diary!
Pwede ba diary kahit ngayon lang? Kahit ngayon lang sana pakisapak itong mukang shokoy na bakla kong kaibigan? Nakakairita na kasi eh! Kung hindi 'ahh' yung sasabihin 'ohh' naman minsan. Nakakainis kasi. Tapos sinabihan pa ako kanina na 'bakit parang ang laki ng problema mo girl? Parang mas malaki pa sa dede mo.' Ang sarap lunurin!
Dumagdag pa na hindi ko na makikita si Percival Martin, the living anime. Yung crushxzs ko 'yan. Walang aagaw dyan! Huhu mamaya na kasi bakasyon namin eh. Ni hindi pa nga ako nakakaamin sa kaniya. Eto na ba ang katapusan ng lovestory namin diary? Dito na ba magtatapos ang istorya ko? Chos!
Aamin na ako mamaya pero 'wag nalang pala. Nahihiya kasi ako diary eh hihihi. I don't know why I is felling shy. O di'ba diary? Ang galing ko mag-english. Hindi ko pa pala nasasabi sa'yo na best in english ako. Ano? Angal ka? Sayang lang kasi dati hindi ako natuloy isali ni mama sa money contest sa barangay namin. Haaay...
Eto na yata yung pinakanakakainis na Christmas party sa buong layp ko. Naglaro kasing truth or dare buong section namin. Tapos ako yung nabunot. Edi ang pinili ko ay dare. Yung mga kaklase ko naman, biglang nagbulungan.
"Ashuhuhsuhsh."
"Wuohsuohsushu."
Hindi ko sila maintindihan dahil ganyan lang naririnig ko. Tapos maya-maya nagsalita ang impaktang mukang butas ng pwet na si Wendy. Pinakamaarte sa amin 'yan.
"Kunin mo lahat ng gamit mo at lumabas ka." Literal na nanlaki yung mata ko diary. Anong gagawin ko sa labas? Bakit ako lalabas? Umikot ng ninety degrees celsius farenheight yung mata ko dahil sa inis. Wala akong nagawa kundi ang sumunod dahil ang rule ay kapag hindi ginawa o hindi sinagot ang tanong ay matatanggal sa laro. Kaya lang parang nawrong turn— este wrong move ako. Kasi pinagsarhan nila ako ng pintuan kaya hindi na ako nakapasok. Tutal, wala naman akong gagawin, tapos kanina bago magsimula ang laro ay umalis si Jebaks dahil humihilab daw yung tyan niya, uuwi nalang ako.
Lonely, Chuchay22
P.s pasko na bukas. Ano kayang handa namin? Sana si Choco nalang yung i-lechon ni mama. Chos!