[ON-GOING]
Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories
NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT.
Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay?
Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hoy Diary,
Ang hirap palang pumasok sa isang relasyon ng hindi man lang pinag-iisipan nuh? Ang hirap din sa sitwasyon nyo na hindi mo alam kung mahal ka ba talaga niya at kung ikaw lang ba talaga. Parang sa nangyari sa akin ngayon, pina-ibig at pinaglaruan. Hindi naman ako mukang manika para paglaruan eh.
Simula nung huling pag-uusap namin ni Shan, lagi ko na silang nakikitang magkasama ni Mae-sapok. Holding hands while walking pa nga minsan. Sarap putulin ng mga kamay. May pagkakataon pa na magkatabi silang kumakain sa canteen, nagsusubuan ng hakdog. Akala ko sa akin lang ipapasubo ni Shan yung hakdog niya, sa iba din pala.
Minsan diary, hindi ko maiwasang ikumpara yung sarili ko sa ibang babae. Ang ganda nila. Makinis, maputi, matangkad, walang tigyawat, at sexy. Pakiramdam ko kasi diary, kaya ako yung napiling paglaruan nila Shan ay dahil muka akong chaka doll. Maliit, kayumanggi ang balat, madaming tigyawat, kulay pink na maikli yung buhok, medyo mataba at sobrang ganda ko kasi. Sa ibang salita, kamuka ko si Anabelle. Tsar lang. 'Di naman pink buhok non eh.
Nakakatamad nang bumangon at pumasok lalo na kung sila't sila lang din naman yung makikita ko.
"Hoy p^t4ng!n4ng bata ka! Bumangon ka na! Hindi ka senyoritang banana para maghapon kang humiga dyan!" Psh. Mas gugustuhin ko pang tiktilaok nalang ng piniritong manok yung gumising sa'kin kaysa sa bunganga ni mama na nakalunok ng isang daang megaphone.
"Bababa na po ako! Mahal din kita ma!" Wala akong nagawa kundi ang bumangon at maligo. Nakakatamad pa naman maligo ngayon lalo na at maulan, may bagyo kasing namumuo sa Pacific Ring of Fire in the Ocean eh. Halos mapamura ako diary nung nagbuhos ako ng tubig. Naalala ko bigla yung mga chat namin ni Shan dati, kasing lamig ng yelo sa disyerto.
Alas dose na ng tanghali nang makapasok ako. Pagkadating ko ay saktong magsasalubong ang landas namin ni Shan pero WADAPAK lang dahil ini-snob niya ako. Napa-#SadghorlChuchay tuloy ako. Kusang ngumuso ang labi kong El Niño dahil sa pagkabitak bitak. Napabuntong hininga ako bago nagpatuloy sa paglalakad, nang makita ako ni Percival ay agad niya akong sinalubong at tinanong kung bakit hindi ako pumasok nung umaga.
"Tinatamad ako." Naisagot ko nalang. Totoo naman kasi diary. Ano pa at pumasok ako kung wala namang pake sa'kin yung kaisa-isang taong gusto ko.
"Tinatamad ba talaga o nagseselos ka lang?" Aray. Double kill. Triple kill. Legendary! "Huwag mo na silang pansinin. Nandito ako lagi sa tabi mo para pagtuonan mo nang pansin."
Napatingin ako kay Percival. Gustuhin ko mang magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Ako yung nasasaktan sa ginagawa niya eh. Pero, wala naman sigurong masama kung susubukan kong mahalin siya di'ba? Tinapos ko naman na yung sa amin ni Shan eh. Panahon narin siguro para kalimutan ko yung nangyari sa amin.