[ON-GOING]
Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories
NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT.
Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay?
Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hoy Diary!
Isang linggo ang lumipas diary. Ngayon lang ulit kita nasulatan. Pero sa isang linggong 'yon ay madaming nangyari.
Namatay na nga pala si Choco. Rest in pieces. Nasagasaan kasi kaya pieces. Huhu sana 'di ako multuhin nung negrong aso na 'yun. Sa bahay naman, pinagawa na ni mama yung kisame namin, lalo na sa kwarto ko. Kaya ayun, bumaba si sadako. Hindi na siya makakasilip ulit eh.
Ako ba diary, hindi mo kakamustahin?
Well, nangingiti ako diary hihihi. Ang haba ng pink hair ko talaga, may boyfriend na kasi ako. You wanna know who is my jowa— este my boyfriend? Hihihi si Shan. Nagkaaminan kami diary dahil sa truth or dare na nilaro namin. Speed lang di'ba? Well, ganun yata talaga kapag mahal nyo ang each other di'ba diary? Haaay... kung alam mo lang diary. Sobrang saya ko nung nagkaaminan kami hihi. Naihi pa nga ako sa panty ko eh. Shh ka lang. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasayang demonyo sa balat ng earth.
Tuwing umaga nga ay sinusundo niya pa ako eh. Pakiramdam ko nga ay balik kinder ako. Tuwing lunch kasi ay binibilan niya ako ng pagkain, tapos minsan kapag hindi niya ako makakasamang maglunch ay dinadalhan niya nalang ako. Hindi kasi kami magkaklase ni Shan, section one siya tapos ako section two. May pagkakataon pa diary na hatid sundo niya ako kaya pakiramdam ko talaga ay kinder ako. Isip kinder lang, tsar!
Kinikilig ako kapag bigla niyang hinahawakan yung kamay ko tapos holding hands while walking pa kami hihihi. Nakita ko pa minsan na parang baliw na nakangiti si Shan habang magkahawak kami. Kaya lang nahihiya parin ako diary kasi pasmado si ako hihi. Waterfalls palad ko eh. Minsan talaga ay hindi ko maiwasang mapangiwi kapag pinagtitinginan kami. Kung nakakamatay lang siguro yung mga tingin nung mga babaita ay matagal na akong iniiyakan ni Shan. Tsar! Mainggit sila!
May boyfriend na, Chuchay02
P.s si Shan yung umawat sa sabunutan namin ng impaktang babaeng mukang butas ng pwet na si Wendy ah? May laro nga pala bukas sa school. Kailangan kong magpapretty dahil player ng basketball si Shan hihihi. Bukas nalang diary, need munang magbeauty rest ng one and only Chuchay in the skin of the earth.<3