[ON-GOING]
Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories
NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT.
Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay?
Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gwapong Perci's POV parin
May krass yata sa'kin ang ate nyo author. Ayaw pang tapusin ang point of view ko. Isang kindat sa'yo, author.
/_( •.-)_ /
Panget ko naman 'dyan. Parang may black eye, tsk. Hayaan mo na nga. Mahirap talagang gawan ng emoticon ang mga katulad kong gwapo.
So, balik tayo sa kwento. Nag-aya naring umuwi si Chuchay pagkatapos naming panoorin ang papalubog na sunset.
Magkatabi lang kaming naglalakad ngayon at walang nagkikibuan. Gustuhin ko mang hawakan ang kamay niya pero hindi pwede. Wala akong karapatang hawakan ang kamay ng babaeng hindi ko pag-aari. Ang sakit lang isipin dahil dati ko pa talaga pangarap si Chuchay, mula pa man noong unang araw ko siyang nakita sa school.
Oo, isa akong gwapong tanga.
Pinagtulakan ko siya noon, wala eh. Naduwag ako dahil natatakot akong masaktan ko siya. Pero ngayon na lagi kaming magkasama, ni hindi ko magawang sabihin sa kaniya kung gaano ko siyang kamahal. Ilang beses na akong umamin kay Chuchay, pero ang tanga talaga ng babaeng 'to. Hindi ko alam kung sadyang manhid lang talaga siya o ano.
Pinagmasdan ko si Chuchay habang naglalakad kami. Ang ganda niya talaga. Pero hindi iyon ang bagay na nagustuhan ko sa kaniya, kundi ang ugali niya.
Kay Chuchay ko lang naramdaman ang saya. Kahit corny yung mga joke niya, napapatawa parin ako. Sa kaniya ko kinukuha ang sigla tuwing bumabangon sa umaga. Parang kape lang. Nescafe, baka naman.
"Iho, iha. Maaari ko bang tingnan ang inyong mga palad?" Napatingin ako sa matandang babae na nasa aming harapan. Hindi naman kami nag-dalawang isip na ipakita sa matanda ang aming palad. Nagtaka ako nang mabasa ang nag-aalalang ekspresyon ng matanda.
"May problema po ba?" Tanong ni Chuchay.
Huminga muna siya ng malalim at tinitigan kaming dalawa.
"Kayo ay iginuhit na ng tadhana, ngunit sa scratch paper nga lang. Ginupit gupit matapos gamitin upang gawing pamparingas." Literal na napanganga ako matapos marinig ang sinabi ng manghuhula.
Nagpasalamat nalang kami kahit sa loob loob ko ay nagsisisi akong inilahad ko pa ang palad sa matanda na'yon. Magkasalubong ang kilay ko hanggang sa maihatid ko si Chuchay. Nakakabadtrip naman kasi yung matanda na 'yun!
Hapon na nang makarating kami sa bahay nila. Inaya niya pa akong pumasok sa bahay nila pero tumanggi nalang ako. Pero kung inaya niya nalang sana akong pumasok sa puso niya, hinding hindi ako tatanggi.