• • •
Hoy Diary!
Ang hirap palang maging maganda. Uuwi na sana ako agad diary, kaya lang ay bigla akong nilapitan ni Percival at inaya akong gumala at kumain.
"Saan mo gusto?" Tanong niya habang naglalakad kami. Gusto ko sanang sabihin na, 'sa puso mo syempre.' Kaso nga lang dati 'yun. Si Shan na ang tinitibok ng pempem este heartbeat ko ngayon.
"Tara sa ihawan! Doon kina Aling Berat!"
Buti nalang at pumayag itong si Percival. Ihaw ihaw is layf kaya! Dzuh!
"Aling Berat!" Nakangiti kong bati sa kaniya na abala sa pag-iihaw ng isaw.
"Oh, Chuchay! Teka, sino 'yang kasama mo? Hindi ba't hindi naman iyan ang nobyo mo?" Sunod-sunod na tanong niya. Nahihiya naman akong napatingin kay Percival, ngunit ganoon nalang ang gulat ko nang makita kong nakayuko lang ito. Napansin niya yata diary na may magandang nakatingin sa kaniya kaya inangat niya na yung paningin niya at ngumiti sa akin, pero peke. Napabuntong hininga nalang ako bago sagutin ang madaldal na si Aling Berat.
"Ah opo. Nasa Manila po kasi dahil sinundo po yung mama niya na galing sa Japan."
"Talaga ba? Pero parang nakita ko pang dumaan kanina dyan eh. May kasamang magandang babae." Tama ba yung narinig ko, diary? Nakita ni Aling Berat si Shan na may kasamang magandang babae? Tss. Hindi siguro. Nasa Manila Airport nga dahil sinundo yubg mama niya eh. Hay naku, si Aling Berat talaga.
"Chuchay."
Nagitla ako sa pagtawag sa akin ni Percival. Kanina pa pala niya ako tinatawag hihi. Masyado akong napaisip sa sinabi ni Aling Berat eh.
"Sorry. Salamat!" Wika ko at kinuha na ang pagkain ko bago pumunta sa tahimik na pwesto at doon kumain. Tahimik lang kaming kumakain diary at ninanamnam ang tae sa kinakain naming isaw, hahaha tsar lang.
"Chuchay, mahal mo na ba talaga si Shan?"
Tanong niya kaya muntik na ulit akong masamid. Pabigla bigla din magtanong 'tong lalaking 'to eh. Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago sumagot.
"Oo naman! Si Shan ang unang nagparamdam sa akin na hindi sa itsura bumabase ang pagmamahal, kundi sa ugali." Masaya at nakangiting sabi ko habang nakatingin parin sa isaw na kinakain ko.
"Si Shan din yung lalaking handa akong protektahan sa kabila ng mga natatanggap kong masasakit na salita. Simula nung araw na nakilala ko si Shan, humanga na talaga ako sa kaniya 'non. Kung hindi pa siguro kami nagsabunutan ni Wendy 'non ay wala akong Shan na makikilala." Muli akong kumagat sa isaw.
"Mahal din kita, Chuchay." Napahinto ako sa pagnguya at gulat na napatingin sa katabi ko. Totoo ba? Totoo ba, diary? Mahal ako ni Percival? Bakit ngayon pa? Kung kelan may mahal na akong iba.
"Haha... nagpapatawa ka ba Percival?" Naiilang kong tanong ngunit seryoso siyang tumingin sa akin.
"Seryoso ako, Chuchay. Nawala na yung Chuchay na lagi akong sinusundan at kinukulit dati. Isang araw, sinampal nalang ako ng katotohanan. May nagmamay ari na sa'yo. Ewan ko ba, pero mula noong nakita ko kayong magkasama ni Shan ay nasasaktan ako. Tuwing sabay kayong kumakain, hawak kamay na naglalakad, hatid sundo ka niya. Ako dapat yung gumagawa sayo 'non eh. Pero wala, wala akong nagawa." Nakita kong may luhang pumatak sa pisngi niya. Bakit nasasaktan ako, diary?
"Naging kami ni Mae, pero ikaw... ikaw lagi yung laman ng puso't isip ko. Akala ko kasi, kapag napunta sa iba yung atensyon ko ay... makakalimutan na kita. Pero t*angina, mas lumala pa lalo yung nararamdaman ko sa'yo. Naalala mo ba noong umamin ka sa akin? Ang saya ko, ang saya-saya. Pero mas pinili kong saktan ka, sabihan ng masasama at masasakit na salita. Triple yung sakit sa'kin 'non. Lalo nung nakita kitang tumalikod at naglakad papalayo. Alam kong wala na akong pag-asa. Pag-uwi ko, nagkulong ako sa kwarto. Umiyak ako dahil pinili kong saktan ang babaeng mahal... na mahal ko."
Napaluhod na si Perci at pinunasan ang mukha niyang basa dahil sa pagluha. Samantalang ako, tulala parin at gulat sa mga sinabi niya. Kumukulog narin at mukhang sasabay pa ang ulan sa teleserye naming dalawa.
"T*ngina lang, dapat hindi mo ako nakikitang ganito. Dapat ako yung nagpapalakas sa'yo. Pero bakit ganito, ikaw ang lakas ko pero ikaw din ang kahinaan ko."
"Bakit ngayon mo lang sinabi, Perci?"
"Kasi takot ako, takot akong masaktan kita."
Tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Pwede ba, Chuchay? Kahit ngayon lang, yakapin kita? Pangako ko, pagkatapos ng araw na 'to, bukas. Hindi na kita lalapitan." Malungkot akong tumango at niyakap siya ng mahigpit. Ang ganda ko talaga, diary.
"Sana, ako nalang ang mahalin mo. Ipapangako kong hindi kita sasaktan." Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya.
"Wala akong masabi."
"Wala kang dapat na sabihin, masaya na ako dahil pinakinggan mo ako."
Sandali kaming nanatili sa ganoong pwesto bago namin napagpasyahang umuwi. Nakakapagod 'tong araw na ito, diary. Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko. Ang hirap talaga kapag masyadong maganda, nuh diary? Dalawang lalaki pala ang may gusto sa akin, pero wala eh. Isa lang ang puso ko at naibigay ko na 'yun kay Shan.
Pero hanggang ngayon ay ginugulo parin ako ng tanong ni Percival bago siya umalis at iniwan akong tulala sa gate.
"Wala na ba akong pag-asa?"
Kumain ng isaw habang umiiyak,
Chuchay na maganda
BINABASA MO ANG
Diary Ng Inosenteng Babae
Ficção Adolescente[ON-GOING] Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT. Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay? Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...