DNIB #38

26 9 0
                                    

• • •

Hoy Diary,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hoy Diary,

WAAAAAAAAAAAH! Naiinis na talaga ako sa sarili ko! Hindi ko na magawang makinig kay sir dahil sa lalakeng katabi ko ngayon! Pano ba naman kasi, sa akin tumabi si Perci, e' ang dami namang bakanteng upuan. Ayan tuloy, halos lahat sa amin nakatingin.

Buti nalang talaga diary, kahit hindi ako nakikinig ay nasasagot ko parin yung mga tanong nila kapag tinatawag nila ako.

"Miss Lin Hye!"

"Yes ma'am?" Mabilis kong tugon nang tawagin ako ni Ma'am Gagui.

"Nahahawakan ba ang Diyos?"

"Hindi po, ma'am!"

"Nakikita mo ba ang Diyos?"

"Hindi po, ma'am."

"Edi walang Diyos, kung ganon." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni ma'am. "Pwede ka nang maupo." Dahan dahan naman akong sumunod habang napapa-isip.

"Ma'am." Tawag ko dito at muling tumayo.

"Yes, Miss Lin Hye?" Maarteng sagot pa niya habang nakatalikod at nagsusulat sa black board na kasing itim niya.

"Ma'am, nahahawakan ba ang utak?" Tanong ko kaya tumigil siya sa pagsusulat at tumingin sa akin.

"Hindi, bakit?"

"Nakikita ba ang utak?" Ikalawang tanong ko, ginagaya ang tono ng pananalita niya kanina.

"Hindi rin."

"Edi wala kayong utak kung ganoon, ma'am." Malakas ang loob na sabi ko kaya napa-Oooh yung mga kaklase ko na ikinangisi ko naman. Natawa ako sa naging reaksyon nila ngunit nawala ang ngiti ko nang mapansin ang pagtahimik ni ma'am.

Patay ka Chuchay!

Mariin akong napapikit at napakagat sa labi ko. Naikuyom ko din ang aking mga palad at halos malukot ko na ang suot kong palda. Matagal na katahimikan ang bumalot sa klase kaya mas dumoble ang kaba ko.

"Wala kang modo!" Ganun nalang kalakas ang pagkakasigaw ni ma'am. Mula sa kinauupuan ko ay rinig na rinig ko ang malalakas na yabag ng kaniyang takong. Iniangat ko ang paningin ko ngunit muling napapikit nang akma ako nitong hahampasin. Isinangga ko ang aking mga braso pero lumipas ang segundo ay wala akong naramdaman.

Tumingala ako at napanganga dahil nakatayo na ngayon si Perci sa harapan ko at iniharang ang katawan para sana sa gagawing paghampas ni ma'am sa akin. Nagtitigan pa muna sila na tila parang nag-uusap sa pamamagitan ng kanilang mga mata.

Natapos ang klase ng wala nang nag-ingay pa. Muntik na ako don, diary. Buti nalang talaga napigilan ni Percival si Ma'am Gagui na hampasin ako kaya kailangan kong pasalamatan si Perci para doon sa ginawa niya kanina.

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon