• • •
Hoy Diary!
Today is the day of my day because I will say my feelings to Perci today! Naalala ko kasi yung sinabi ni Jebaks bago ako iwan at umalis, 'bakit ka maglilihim kung pwede ka namang umamin? Hindi yung kung kelan huli na ang lahat ay tsaka ka aamin, luluhod at dadapa sa harap niya.' Ang swerte ko talaga dahil sa kaibigan kong bakla na 'yun. Excited akong pumasok at hindi na ako makapaghintay na mag-uwian. Syempre hihihi. Aamin na ako mamaya kay Percibabes eh.
Ganado ako sa lahat ng subjects. Nakikicooperate kasi yung mga braincells ko eh hihi. Masaya din kasi sila at excited mamaya. Naghanda pa nga akong script ko eh. Para malateleserye yung pag-amin ko diary. Unang beses ko kayang aamin dahil si Percibabes ang unang pers crushszxs kho. Ik4w lh4ng kszaphat nha. Wooohhh! Ngayon palang diary ay may listahan na ako para sa mga date namin hihi. Gusto ko sanang una naming puntahan diary ay Sogo hotel o kahit ano basta hotel. Manonood lang kaming cartoons doon na Phineas and Ferb, Spongebob, Johnny Bravo, Kick Buttowski, at Jimmy Neutron. Naalala ko kasi noon nung naghotel kami nila mama ay may mga cartoons sa hotel. Wala kasi kaming cable sa bahay eh.
Nung mag-uwian ay agad kong hinanap si Perci at nakita ko agad sila doon sa peberit tambayan nila. Diz iz it! Huminga muna akong malalim bago lumapit sa kanila. Pero dapat pala ay hindi nalang ako umamin diary. Nasaktan lang ako sa sinabi ni Percibabes.
"Ano? May gusto ka sa'kin? Kadiri! Nagkakagusto pala yung mga mukang halimaw no?" Wika niya at nagtawanan naman yung mga kaibigan niya. "Pwede ba Chuchay? Umalis ka na sa harapan ko at baka hindi kita matantya, masaktan kita. Tandaan mo 'to, walang magmamahal sa mga katulad mong mukang halimaw." Aray. Tumagos diary. Sa buong buhay ko, ngayon lang may nagsabi sa'kin ng ganyan. At ang masakit pa ay yung taong gusto ko pa. Sa lalakeng gusto ko pa nanggaling ang mga salitang 'yan. Bakit parang kumirot yung dibdib ko diary? Hindi yung boobs ko ha, wala ako non. Masakit yung heart ko diary. Wala akong nagawa kundi ang tumalikod at naglakad palayo.
Namalayan ko nalang ang sarili kong nakatayo sa rooftop ng bahay naming walang bubong. Chawotski lang! Paano kaya diary kung tumalon ako sa fifth floor ng school naming hanggang second floor lang? May sasalo kaya sa'kin?
Boang,
Chuchay;)
BINABASA MO ANG
Diary Ng Inosenteng Babae
Novela Juvenil[ON-GOING] Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT. Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay? Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...