DNIB #39

5 1 0
                                    

• • •

Psst, Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Psst, Diary!

Pagmulat ng mga mata ko ay purong puti ang bumungad sa akin. Teka, patay na 'ko? Pumikit ulit ako at muling dumilat pero wala paring nagbabago. Puti parin ang lahat. Gaga, napaupo ako at napangisi. Nasa langit na yata ako. I'm safe.

"Muka kang baliw."

Nawala ang ngisi ko nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Nilingon ko iyon at hindi ko naiwasang magulat. Paanong nakasama ko 'to dito? Patay na rin si Junjun?

"Wag mo munang biruin 'yang ate mo. Magbiro ka na sa lasing, 'wag lang sa baliw na bagong gising." Wika ni mama. Umiiling at nagtunog butiking lumabas si Junjun. Tuloy ay hindi ko napigilang ambaan siya ng suntok kahit pa malayo ang distansya namin.

Nang makalabas si Junjun ay agad ko namang nilingon si mama. Ngunit ganoon nalang kabilis ang pangingilid ng mga luha ko.

"Mama..."

"Wag mo akong iyakang bata ka. Hindi pa ako patay." Wika niya habang nakatalikod at mukhang may inaayos sa maliit na lamesa.

"Mama..." muling tawag ko, sa pagkakataong ito ay bumuntong hininga siya bago ako nilapitan. Pinanood ko ang paglapit ni mama hanggang sa makaupo siya sa gilid ko.

"Sabi ko naman kasi sa'yo, 'wag kang magmadali sa pakikipagrelasyon. Oo, alam kong matanda ka na pero isip bata ka pa rin kasi eh." Hindi ko naiwasang samaan ng tingin si mama. Ang ganda ganda na sana ng sinabi niya kaya lang hindi parin mawawala yung panlalait niya sa akin.

"Kilalanin mo munang mabuti kung sino mang lalaki ang nagugustuhan mo. Ipakita mo sa kaniya kung gaano kang kadugyot. Na kaya mong hindi maligo ng isang linggo, hindi magsepilyo ng isang buwan, ipaamoy mo kung gaano kabaho 'yang utot mo, at higit sa lahat. Magpakatotoo ka. 'Wag kang magpapabebe." Payo niya pa habang sinusundot sundot ang noo ko. Napangiti ako sa ginawang pangangaral ni mama.

"Tsaka, siguraduhin mong hindi chickboy. Naku! Kaya hiniwalayan ko ang papa mo dahil dyan sa pagiging babaero niya! Psh! Ang pangit pangit naman ng ipinalit sa akin. Wala pa sa kalahati ng kagandahan ko." Iminuwestra niya pa ang daliri. "Hindi pa nakuntento sa pagmumukha ng asawa niya." Pigil na pigil ko ang aking pagtawa dahil sa pagrereklamo ni mama. "Past is past pero bwisit parin siya. Naiinis parin ako sa papa mo."

"HAHAHA! Kung yung iba, pinagpalit sa malapit. Ikaw mama pinagpalit sa kapitbahay." Napadaing ako dahil sa lakas ng pagbatok niya sa akin. Magsasalita pa sana si mama pero buti nalang ay may kumatok kaya pinagbuksan iyon ni mama.

Nakangiti itong tumingin sa akin ngunit kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang pag-aalala. Masaya ako na nandito si Perci, pero hindi man lang ako nakaramdam ng kung anong sabik sa puso ko nang makita siya ngayon, diary. Malayong malayo sa nararamdaman ko kay Shan sa tuwing nakikita ko siya. Ayan na naman yung mga luha kong nag-uunahan. Iaangat ko palang sana ang kamay ko ngunit naunahan na ako ni Perci na punasan ang aking luha. Malamya ko siyang nginitian at tsaka bumuntong hininga.

Ay shit! Gaga! Bwisit! Nakakahiya!

"Wag mo 'kong tingnan! Tumalikod ka!" Nanggigigil kong utos at napapahiyang pinunasan ang sipon kong aksidente kong nasinga dahil sa pagbuntong hininga ko kanina. Nalukot ang mukha ko dahil sa pagkapahiya.

Diary! Kainin mo na ako ngayon na!

Mabuti na lamang at dumating ang doktor at sinabing makakalabas na ako. Nagdala pa sila ng upuang may gulong. Umaasenso ang ospital ng Bulalacao, diary.

"Miss Lin Hye." Ilang beses akong pinilit ng doktor na maupo doon pero umaayaw ako. Magpapabebe ako, diary. Hihi, ang gwapo nung doktor eh.

"Please. Miss Lin Hye." Nang maubusan  ng pasensya ang gwapong doktor ay wala rin akong nagawa kundi ang umupo doon at hayaang itulak iyon ng nurse.

Napatingin ako kay Perci na ngayon ay nagpipigil ng tawa. Bwisit! Naalala ko na naman yung sipon ko kanina.

"Tumahimik kang lalaki ka!" Malakas na bulyaw ko kaya ganoon nalang ang pagkapahiya ko nang sutsutan ako ng mga tao. Ang loko naman, tahimik na tumatawa, sarap sapakin.

Tahimik kami ngayon habang nakasakay sa sasakyan ni Tito Raul, kapatid ni mama. Matangkad, maputi, basta gwapo, at higit sa lahat, single.;)

Ang nakakainis lang, diary. Kami pa ni Perci ang pinagtabi nila. Eh pwede namang si mama yung nasa tabi ko ngayon at si Perci yung nandoon sa harap. Psh! Napairap ako at tumingin nalang sa bintana. Ang sarap damahin ng hangin nuh? Lalo na kapag gabi tapos kakaunti lang yung mga dumadaang sasakyan. Mabuti nalang din pala at hindi naka-aircon itong sasakyan ni tito. Naku! Kung naka-aircon ito, kanina pa ako nag-a-unli lugaw dito.

"Oy, ate! Kanina ka pa hinihintay ni Owaf." Salubong ni Junjun sa akin nang makababa kami ng sasakyan. Tuloy ay hindi ko mapigilan ang pagkasabik lalo na ng makita ako ng aso at takbuhin ang malayong distansya namin.

Lumuhod ako at niyakap ng mahigpit ang alaga. "Owaf! Namiss ka ni Inay! Huhu, ang tagal kitang hindi nakita, ah?"

"Tss. Matagal na pala sa'yo yung isang araw?" Singit ni Perci kaya inambaan ko ulit siya ng suntok ngunit binelatan niya lang ako.

"Pake mo ba?" Konti nalang talaga diary, mapepektusan ko 'to. Narinig ko pang tumawa siya kaya mas nainis ako. Ano bang trip ng lalakeng 'to? Psh! Hindi ko nalang pinansin at muling nilaro si Owaf.

"Matino ang isip ko pero ako'y sabog na... Alam ko ang tama't mali pero ako'y sabog na~." Kanta niya pa habang pilit na binubuhat ang ilang gamit namin na dinala sa ospital.

Tumayo ako at inagaw ang mga gamit sa kaniya. "Oo, sabog ka na nga. Kaya umuwi ka na." Buong lakas ko siyang tinulak pero hindi nagpatinag ang loko.

"Aray." Umakto pa siyang nasasaktan sabay hawak sa dibdib. Umuubo-ubo at hinihingal.

Boang.

"Sige na nga, basta bukas susunduin kita. Sabay tayong papasok."

Nanlaki ang mata ko. "Anong sabay? Susunduin kaya ako ni Shan." Napahinto ako at tila parang may bumara sa lalamunan ko matapos sabihin ang pangalan na 'yon. Hahaha. Ang sakit, diary.

"Chuchay..."

"Si-sige. Sabay tayo bukas." Bago pa man siya makapag-salita ay umalis na ako at pumasok sa bahay. Binati pa ako nila tito at mama na abala sa pag-aayos ng mga gamit pero hindi ko na sila nagawang batiin. Agad na dumiretso ako sa kwarto at nagkulong doon. Isiniksik ko ang sarili at doon umiyak nang umiyak.

Brokenhearted pero maganda parin,
Chuchay

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon