DNIB #7

79 22 12
                                        

• • •

Hoy Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hoy Diary!

Belated Merry Christmas! Ang lamig kapag pasko no? Tapos ang daming regalo, pero ang natanggap ko lang ay isang bote ng PhCare. Okay narin. At least madami akong pangsepilyo. Ay oo nga pala. Ano ba diary yung 'gubat' na tinutukoy ni mama? Hanggang ngayon kasi ay hindi ko parin alam eh. Basta sabi niya lang kasi ay pang gubat lang yung PhCare. Hay nako. Si mama talaga.

Bagong taon narin pala mamaya. Ang bilis ng panahon. Kung dati nung bata ako, ang cute at ang ganda ko. Pero ngayon, isa na akong dyosa. Hihihi. Kelan kaya ako magkakajowa- este boyfriend pala diary. Ano kaya pakiramdam 'non? Sana lagi niya akong ilibre ng hawtdog. Mahilig kasi talaga ako doon. Mapaumagahan, tanghalian o hapunan, basta hawtdog! Yummy! Delisyus!

Madaming magpapaputok mamaya. Iingay na naman ang buong barangay ng Bulalacao. Bakit kaya ganun diary? Bakit laging nagpapaputok yung mga tao kapag bagong taon? Pwede namang hindi na. Kasi, sila din naman yung masasaktan eh. Sa una lang masaya pero kapag naputukan ka na masakit. Minsan napuputulan pa ng daliri at naoospital. Hay nako. Mga bata talaga. Buti ako torotot lang masaya na. Mas magandang isubo yung malaking torotot para malakas yung tunog.

O'siya sige. Mamaya nalang diary. Guguluhin ko pa si mama eh. Hindi naman kasi ako tumutulong hihihi.

Future mo,
Chuchay;)

P.s bakit sa dinami rami ng babae ay ako ang pinakamaganda? *wink*

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon