[ON-GOING]
Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories
NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT.
Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay?
Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hoy Diary!
Hindi ako mapakali ngayon sa upuan ko dahil nakalimutan kong mag-panty. Tsar! Kasi naman eh! Siksikan kami ni Wendy dito sa tricycle tapos si Percival ay nandoon sa may likod. Hindi pa ako komportable dahil sa suot kong gown. Napabuntong hininga nalang ako diary.
Nang makarating kami sa school ay agad agad kong tinulak pababa si Wendy dahil ang sikip talaga sa loob tapos ang kati pa ng buset na gown na 'to. Habang inaayos ko ang mga gusot sa damit ko ay naramdaman ko sa likod kong may kamay din na tinutulungan akong ayusin ang lukot nito. Lumingon ako at nakita kong seryoso akong tinutulungan ni Percival. Mahina akong napabuntong hininga. Nang matapos siya ay tumayo na ito at nginitian ako bago inilahad ang braso, hinihintay na humawak ako roon. Nilibot ko ang paningin ko at napangiwi nang may mga nakatingin na pala sa gawi namin kaya wala akong nagawa kundi ang humawak sa braso niya.
"Ang ganda mo Chuchay!"
"Sana ikaw ang manalo mamaya!"
"Crush ko na si Chuchay, pre."
"Pre."
'Yan ang mga naririnig kong sigawan at bulungan nila, halos lahat ay mga lalake. Mga papansin! Paamoy ko pa sa kanila hininga kong amoy PhCare eh. Tss.
Napansin kong tahimik lamang na naglalakad si Percival kaya kinailangan ko pang tumingala para makita ang itsura ng lalakeng katabi ko. Nakakunot ang noo niya at seryosong nakatingin sa harapan. Nagkibit balikat nalang ako bago itinuon ang pansin sa kung gaano kaganda at kagarbo ang disenyo ng gym naming mukang inabandonang abandoned house. Naalala ko dati, parang elementary ako 'non. Usap-usapan sa buong school namin na tuwing gabi daw ay may naririnig na boses sa kubo na malapit dito sa gym. Ang creepy! Minsan daw ay parang dalawang boses pa yung naririnig, babae't lalake daw, kwento ni Kuya Dash na kambal ni Kuya Pan, janitor dito sa school. Bigla akong kinilabutan kaya umiling-iling nalang ako at binigyang pansin ang paligid.
Maingay, maraming ilaw, naglilisaw-lisaw ang mga tao at mga nagkukwentuhan.
"Dyan ka muna, puntahan ko lang yung mga tropa ko."
Wika ni Percival bago ako iniwan sa upuang nahanap namin, tinanguan ko siya nang hindi tinitingnan, senyales na wala akong pake. Sa totoo lang ay ayaw ko talagang pumunta dito dahil wala naman si Shan, pero dahil napilit ako ng gagang Wendy, wala din akong nagawa.
Nilibot ko ang paningin ko at napangiwi matapos makitang papalapit sa akin ang gagang Wendy na may kahawak kamay na lalake.
"Chuchay, meet Simon. Ang gwapo 'no?"
Tinitigan kong mabuti ang lalakeng nagngangalang Simon bago binalingan ng tingin si Wendy.