DNIB #37

31 11 1
                                        

• • •

Hoy Diary,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hoy Diary,

Hindi ko alam kung may kasing kapal pa ang mukha ko dahil natagpuan ko nalang ang sarili kong nakatabi kay Percival ngayon. Nakatingala at pinagmamasdan ang kulay asul na kalangitan. Hindi na ako pumasok kasi matapang hiya ko. Bahala na mamaya kung mapapagalitan ako, basta ang gusto ko lang ngayon ay samahan si Percival. Tutal, kasalanan ko naman kung bakit nagkakaganito siya ngayon, assuming ako 'wag kang ano.

Walang nagsasalita sa amin, tanging ang huni lang ng mga ibon ang nagbibigay ingay. Nilingon ko siya at ganoon nalang ang ginawa kong pagtitig sa kaniya nang makita ko siyang nakatingala at nakapikit. Mula sa nalunok niyang bato na nasa kaniyang leeg, sa panga niyang makaputol daliri kapag hinawakan, tsarot. Ang labi niyang parang ang sarap sarap halikan, ilong na mala-pinocchio sa tangos, tsarot lang. Pilik matang nakakainggit dahil sa kapal at haba, at kilay na kasing kapal ng muka ko, tsarot ulit.

Sayang diary dahil walang tasa yung ballpen ko, gusto ko sana siyang i-drawing.

"Ayaw kong mag-assume na tinititigan mo ako dahil nagkakagusto ka na sa'kin."

"Ay potanginaglass!" Malakas na sigaw ko. Halos mapamulahan ako ng mukha dahil sa sinabi niya. So, he's gising, diary? Napasimangot ako dahil sa hiya. Ang tagal ko pa naman din siyang tinitigan, psh! Inis akong tumayo at akmang maglalakad palayo nang bigla niya akong hilahin kaya na-out of balance ako at nagulat nalang ako nang pagdilat ko ay nakapaibabaw ako sa kaniya. Dali-dali akong tumayo at hindi na nagawang magpaalam sa kaniya dahil tumakbo agad ako palayo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, diary. Ang bilis ng tibok ng heartbeat ko.

Hinihingal na dumiretso ako sa washroom at nagtagal muna doon. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang maladyosa kong pagmumuka. Putakte ka Chuchay! Ang bilis parin ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay gusto nitong lumabas at dumiretso sa karinderya para i-bopis. Napanguso ako bago naghilamos.

"Ay gago ka inamo!" Sigaw ko matapos may nakitang nakatayo sa likod ko.

"Baka may gusto ka pang idagdag?"

"Gag0! Inamo! T^nG!na ka! Paking tape!" Sunod sunod kong sigaw sa kaniya. Kainis naman kasi si Perci! Kaya nga ako umalis doon dahil bigla akong nilamon ng hiya eh. Tapos ngayon nandito siya?

"Mahal din kita." Natahimik ako at gulat na napatingin sa kaniya, hindi inaasahan ang kaniyang isasagot, dahilan para manglambot ang aking mga tuhod. Mariin kong nakagat ang pang-ibabang labi ko at tsaka iniwan siyang mag-isa doon.

Hanggang sa makapasok at maka-upo ako sa pwesto ay hindi na nawala sa isip ko ang sinabi ni Perci kanina. May pagkakataon pang tinatawag ako nila ma'am at sir pero wala muna akong pake sa kanila ngayon. Lumipas ang oras, tanghalian na pala. Pero wala akong ganang lumabas at kumain ngayon. Bakit ang lakas ng epekto sa'kin ng sinabi ni Perci, diary?

"Ang lalim yata ng iniisip mo?" May biglang nagsalita kaya tiningnan ko iyon. Napangiwi ako, si gagang Wendy lang pala.

"Oo, malalim ang iniisip ko. Sa sobrang lalim ay ang sarap lunurin ng mga kuto mo."

"Hoy gaga! Wala akong kuto!"

"O' talaga? Edi ikaw nalang lulunurin ko." Pasiring ko siyang tiningnan dahil naiinis na talaga ako sa sarili ko. Hindi ko talaga maintindihan yung sarili ko kung bakit ganoon nalang kalakas yung naging epekto sa akin ng sinabi ni Perci. Oo alam kong mahal niya parin ako, diary. Pero yung sa kaniya mismo nanggaling at harap harapan niyang sabihin sa akin, iba yung epekto.

Inis akong tumayo at iniwan doon si Wendy. Gusto ko munang magpahangin ngayon, diary. Kahit naguguluhan ako, alam ko namang si Shan parin. Sadyang nalilito lang siguro ako kay Perci, oo ganun nga.

Sa tagal kong naglalakad ay pansin kong nandito na ako sa mapunong bahagi ng paaralan na kung tawagin pa namin ay jungle junction. Walang kahirap hirap na pumanik ako sa isang puno at umupo sa sanga 'non habang nakatanaw sa mga estudyanteng kung ano-ano ang mga ginagawa. May nagsisipa, chinese garter, nagpapadulas sa hagdan, at higit sa lahat, mga naglalandian. Psh!

"Aray ko! Bwisit, ang kati!" Mabilis kong pinagpapatay ang mga langgam na kinakagat ako. Muntik pa akong mahulog sa puno kakapatay sa mga bwisit na langgam kung hindi lang ako nakakapit sa isang sanga. Putek diary, ang kati ng ano ko. Yung sa baba, yung mani. Wala namang peanut butter 'yon eh! Inis akong bumaba at kinamot nang kinamot yung mani ko.

"Ay hala may unggoy!"

"Ma'am! May unggoy po dito."

"Kulay pink pa po yung buhok ng unggoy, ma'am."

Sigaw nung mga lalakeng elementary palang. Ang sarap lang itali ng patiwarik sa puno nung mga batang 'yon. Napa-iling nalang ako at dumiretso na ulit sa klase ko.

"Bukas ay pupunta tayo sa gym. Magpi-P.E kayo doon kaya kailangan ay naka-uniform kayong pang-P.E bukas. Maliwanag?"

Shit! Masusuot ko na ulit yung fekfek este P.E short ko! Ang tagal na pala simula nung huling P.E namin. Haaay... Matutulog muna ako, diary. Parang bigla akong inantok nung nakita ko yung pagmumuka ni Sir Debil. Goodmornight muna!

"Miss Lin Hye!"

Dudukdok nalang ako dito.

"Miss Chuchay Lin Hye!"

Tulog muna ako diary.

"Miss Chuchay!"

"NAPAKABUSETMONAMANKITANGMATUTULOGAKOTAWAGNANGTAWAG!" Tumayo ako habang nakapikit at inis na isinigaw iyon. Nagtaka ako nang biglang tumahimik, dahan-dahan kong iniangat ang paningin ko at napangiwi. Nasa akin ang paningin ng lahat. Parang nangyari na 'to, diary. Unti-unti akong tumingin sa harapan at ganun nalang ang takot ko nang makita ang galit na muka ni Sir Debil, pfft! Kamuka nung kulay pulang bulate sa Larva.

"HAHAHAHAHA!" Agad kong natakpan ang bibig ko dahil sa malakas kong pagtawa.

"Get out of my class!" Gigil na sigaw ni sir sa akin. Yumuko muna ako bago muling umupo. "Thank you, Sir!"

"I said, get out of my class!" Muli pa nitong sigaw. Narinig kong nagtatawanan na yung mga kaklase ko kaya nakitawa nalang din ako. May naramdaman akong tumama sa batok ko kaya kinapa ko iyon. Papel na binilog ng maliit. Teka, bakit basa? Inamoy ko iyon at halos masuka suka ako. Kadiri naman 'to!

"Sir! May siraulo po dito." Sumbong ko habang nakatingin at nandidiri. "Wala na po yatang makain kaya pati papel ginawang nips." Sabi ko sabay pitik sa kung saan nung papel.

Nakangiwi kong ipinahid ang daliri ko sa suot kong palda. Napalingon ako sa pintuan nang may pumasok, kung kaya't ganoon nalang muli ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makitang si Perci iyon.

Bwisit ka, Chuchay! May Shan ka na!

Naiinis sa sarili,
Chuchay

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon