DNIB #42

12 1 0
                                        

• • •

Psst, Diary

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Psst, Diary...

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong nandito siya sa harapan ko. Gustong gusto kong makita ang mukha ng taong mahal ko pero eto siya ngayon at nakatalikod sa akin.

"Sha..." hindi ko maituloy ang pagtawag sa kaniya kaya huminga muna ako nang malalim. "Shan." Nang mabanggit ko na ang pangalan niya ay bigla nalang nagtubig ang gilid ng mga mata ko. Ang sarap talagang sabihin ng pangalan niya, diary. Pakiramdam ko ay iyon na ang pinakamagandang pangalan.

"Oh? Chuchay? Anong ginagawa mo dito?" Prenteng tanong niya sa akin habang may ngiting nakaukit sa labi. Napatitig ako dahil sa kagwapuhan niya. Hindi ko akalain diary na may lalaking magmamahal sa akin na kasing gwapo niya, dati.

Paano niyang nagagawang ngitian ako? Bakit parang ang dali lang para sa kaniyang kalimutan ako? Liligawan niya pa ako, hindi ba? Ang sabi niya pa ay hindi siya magsasawang ligawan ako hanggang sa matanggap niya ang matamis kong oo. Kaya lang... bakit ganito? Masakit dahil wala naman akong karapatang kagalitan siya, nililigawan niya lang naman ako at hindi kami.

Pero hindi ko na dapat kailangang magtaka sa nangyayari ngayon. Darating talaga yung panahon na may makikitang mas maganda si Shan kaysa sa akin. Sa totoo nga lang, kung ikukumpara yung itsura ko kay Maesapok? Sa tingin ko ay hanggang sa split ends niya lang ang ganda ko. And iT r3aLly Hurt$z.<(-.- )>

"Hi babe!" Natauhan ako nang makarinig ng malakas at maarteng tinig. Agad niyang ipinulupot ang kamay kay Shan na ngayon ay kaharap ko pa rin. Napatingin ako kay Maesapok at nakita kong sobrang sama ng tingin niya sa akin. Ang gaga naman, ngumisi at biglang hinalikan sa pisngi si Shan na ikinagulat naman nito.

Masakit.

Wala akong nagawa kundi ang iwan sila at dumiretso na sa klase. Habang naglalakad ako ay ramdam ko ang sobrang bilis na tibok ng puso ko. Akala ko ako lang ang babaeng makakahalik sa pisngi ni Shan, may iba pa pala. Walang gana akong naupo at tumingin sa bintanang katabi ko. Ang sarap sana magmoment habang nakatingin sa madilim na kalangitan habang umuulan. Kaya lang panira talaga itong mga siraulo kong kaklase.

"Allelujah!"

"O' langit! Ika'y magbuhos pa ng maraming ulan nang lumubog sa baha ang eskwelahan at mawalan kami ng pasok!"

"Rain, rain, rain some more! We don't want to go to school!" Napailing ako, ginawan pa ng bagong lyrics yung rain, rain go away na kanta.

"Tinatawag kita, ulan!" Malakas na sigaw ni Empoy kasabay ng pagkawala ng kuryente at pagbuhos ng malakas na ulan.

"Woh! Lodi!" Papuri naman sa kaniya ng lahat at pinalakpakan na pinangunahan ni Biboy na pinakamalakas ang bunganga. Ang lokong Empoy naman, todo kaway at papogi tsaka tumingin sa akin at nagmister pogi pose pa. Nakakakilabot.

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon