[ON-GOING]
Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories
NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT.
Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay?
Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hoy Diary!
Sabadong sabado, sinong hindi mapapa-WADAPAK kung pagkagising mo sa umaga ay may makikita ka sa cellphone mong chat na 'hi dear', yuck! Tapos meron pang pahabol na 'send noodles dear.' Kinilabutan ang buo kong pagkatao diary, pakiramdam ko ay nagsitaasan ang mga balahibo ko, kasama na doon ang gubat sa pempem ko.
Hihi, nga pala diary. Alam ko na ngayon kung ano ang gubat na tinutukoy ni mama. Ayun pala yung buhok sa *toot* *toot* *toot* pempem. Nabawasan na ang aking pagiging innocent mind. Oh mah brain. I don't have think.
"Chuchay! Lumabas ka na riyan at ilabas itong mga basura natin!" Napangiti nalang ako dahil umagang umaga inuutusan ako ng mapagmahal kong ina. Hindi na ako nagreklamo dahil mabait akong anak, slight lang. Isa-isa kong inilabas ang mga basura namin hanggang sa maabutan ako ng basura ng truck na naglalabas parin ng basura.
"Hoy! Amporkchop! Ibaba mo 'ko!" Nagpupumiglas ako dahil bigla ba naman akong buhatin ni kuyang.
"Ay, sorry miss. Akala ko basura ka." Naknamporkchop! Tinadyakan ko nga bago maglakad palayo. Bastos eh. Bakit parang ang malas ng araw na 'to diary? Una, ay yung kaninang gumising ako na may chat ng mga adik. Pangalawa, itong pagbuhat sa'kin ni kuyang dahil sa pag-aakalang basura ako.
"Ay pwet ka!" Napasigaw ako ng may makabangga akong bata. Napangiwi ako diary dahil nahulog siya sa kanal. Ang dami pa namang diaper at basura sa kanal na 'yon.
"Ate na mukang shokoy! Baka pwede namang patulong?" Ay, tapang ng hiya diary. Tawagin ba naman akong bakulaw? Inirapan ko nga.
"Pasensya ka na ha, Godbless." Wika ko bago ko siya iniwan doon, pero syempre biro lang. May natitira pa naman akong kabaitan kahit konti.
"Salamat ate shokoy." Akmang lulunurin ko na sana yung bata kaya lang ay mabilis na itong tumakbo palayo. Pasalamat siya hindi ko siya natuloy lunurin. Sa gitna ng paglalakad ko ay may nakita akong kulay puti at matabang tuta na pakalat kalat sa lansangan. Nilapitan ko ito at tsaka binuhat. Ang cute niya diary! Wala naman sigurong may ari nito kaya iuuwi ko nalang hihihi.
"Mama! I'm back!"
"Oh? Bakit bumalik ka pa?" Tanong ni mama habang naghihiwa ng talong.
"Ganiyan mo ba ako kamahal mama kaya ipinagtutulakan mo na ako?"
"Abay oo naman anak. Mahal na mahal kaya kita." Yieeeeh ang plastik ni mama! Tsar! Ganyan lang talaga kami mag-asaran. Pumanik na ako sa kwarto dahil excited na akong alagaan si Owaf. Ang cute niya talaga diary! Ang taba taba at parang may lahi pa!
Ibinaba ko muna siya sa higaan kong kasing kapal ng muka ni Wendy at inayos ang tulugan niya. Habang inaayos ko ay biglang nag-vibrate yung iphone 13 pro max plus ko. Tsar! Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang mga chat, group chat lang pala. Akala ko kung ano na. Nag-init ang dugo ko ng mabasa ang pangalan ng gc, 'SAMAHAN NG MGA FLAT AT HINDI KINA-CRUSHBACK'.
Wadapak! Anong hindi kina-crushback? Fyi, I have boyfriend na kaya. Baka they are just inggit inggit to me. Napatingin ako kay Owaf na nakatingin sa akin.
"Di'ba Owaf?" Tsaka ako tumango. Muka pala akong tanga diary na nakikipag-usap sa tuta. Ibubulsa ko na sana ulit ang cellphone ko nang bigla ulit itong mag-vibrate. Walang gana ko itong binuksan ulit, nanlaki ang mata ko ng mabasa ang chat ni Shano!
"Punta ako dyan mamaya sa inyo. Dyan ako makikikain.(;"
Ahihi. May pakindat pa talaga diary. Ang ganda ko talaga, kahit sa text kinikindatan niya ako. Magpapaganda pa ako, mamaya nalang diary ah.