• • •
Psst, Diary!
You don't know how much I am really nervous right now! Tae! Napapa-english na tuloy ako.
Ngayon na kasi yung pageant achuchu! Tapos kahapon pinadala na dito sa bahay yung isusuot pangrampa. Like, warahel! Sinong matino ang magsusuot ng boneless na dress?! Kung nakita mo lang talaga diary. Mas gugustuhin mo pang isuot nalang yung basahan namin.
"Bumaba ka na dyan! 'Wag mo na kaming paghintayin dito kung ayaw mong makurot ko iyang maitim mong singit mamaya!" Malakas na sigaw ni mama na sa tingin ko'y narinig ng buong barangay namin.
Nakasimangot akong bumaba at nakita kong magkakasama na sila sa lamesa. Si Tito Raul sa gitna, si mama sa kaliwa at katabi si Junjun na mukang kabayo. Nagulat pa ako dahil may isa pang lalake na naka-upo sa harapan ni mama.
"Hi Chuchay!" Masiglang bati pa nito at inayos ang uupuan ko, tinapik pa niya iyon na para bang sinisenyas na doon ako mauupo.
"Ikaw kakainin ko ate kapag hindi ka pa naupo. Bwisit ka nagugutom na 'ko." Nanlaki ang mata ko at nagmamadaling umupo sa tabi ni Perci. Nginitian ko si Junjun na masama pa rin ang tingin na ibinibigay sa akin.
Nagsimula na kaming kumain ngunit bigla akong napangiwi nang maalala ko kung bakit ako nagmadaling umupo kanina matapos sabihin ni Junjun na kakainin niya ako. Nung isang araw kasi na nalipasan siya ng gutom, bigla nalang akong kinagat sa tenga. Takte talaga diary! Akala ko magiging one-ear nalang ako eh, ang sakit kasing mangagat. Ror!
"Galingan ninyo mamaya ha? Magpapakain ako kapag nanalo kayo." Wika ni mama dahilan para masamid si Perci. Agad naman siyang inabutan ni tito ng tubig.
"Salamat po." Namalayan ko nalang na pinapanood ko na pala si Perci na lunukin ang basong ibinigay ni tito. Shit, diary. Ang sarap panoorin nung adam's apple niyang magtaas baba. Ano kayang mangyayari kapag sinuntok ko yun? Lulubog kaya?
-
"Una na po kami." Pagpapaalam ni Perci kila mama. "Tita, salamat po sa masarap na almusal."
"Ay ano ka ba, hihi. Wala 'yun nuh? Kahit araw-araw ka pang makikain dito, walang problema. Basta ikaw bibili ng ulam at bigas tapos ako magluluto." Umikot ang mata ko dahil may nalalaman pang pahampas si mama sa balikat ni Perci. "O'sya. Ingatan mo ang sarili mo ha? Kahit hindi na si Chuchay. Kaya na nyan sarili niya."
Napailing nalang ako at iniwan na sila. Nakakabadtrip!
"Chuchay! 'Wag mo 'kong iwan. I can't breath without you."
BINABASA MO ANG
Diary Ng Inosenteng Babae
Novela Juvenil[ON-GOING] Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT. Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay? Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...