DNIB #27

40 13 6
                                        

• • •

Hoy Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hoy Diary!

Ang ganda ng gising ko hihi. Text agad kasi ni Shan yung bumungad sa akin eh. Potek! Kinilabutan na naman ang buo kong pagkatao nung naalala ko yung mga nagchat sa akin 'non. 'Hi dear', 'send noodles dear'. Yuck! Kesa alalahanin ko pa ang bangungot na iyon, binuksan ko nalang ang iphone 19 ko, tsar! Wala akong ganun. Agad kong pinindot yung text ni Shanibabes.

From: Ikaw_l4ng_kZhapat_na_Shanibabes

Goodmorning Chuchaybabe ko! Gising na ah. May pasok ka pa. Papunta na kaming airport ngayon. Ingat ka! Mahal na mahal kita. <3

Aaaww... pakiramdam ko diary ay naihi ako sa panty kong Victoria Malihim, hihi. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo. Minsan pala diary ikakapahamak mo ang isang bagay dahil sa sobrang pagkakilig nuh? Tulad ngayon, hindi ko namalayan na nagamit ko palang pangshampoo yung shampoo ni Owaf. Hihihi mabango naman eh.

"Nak! May tao sa baba, hinahanap ka."

Hala! Sino 'yun? Mamamatay na ba ako kaya sinusundo na ako ni kamatayan? Tsar! Paamoy ko pa sa kaniya yung panty kong Victoria Malihim eh, hihihi.

"Dalian mo dyan! Ang gwapo! Hindi pinaghihintay ang mga gwapo!" Sigaw ni mama sa pintuan ko. Napairap nalang ako. Ang arte parin ni mama, diary.

"Opo! Bababa na po." Sigaw ko kay mama habang nagbibihis. Ilang araw na nga lang pala diary, highschool night na tapos kinabukasan ay birthday ko na! Aaack! Excited na ako! Bago ako lumabas ng kwarto ko ay nilapitan ko muna si Owaf na mahimbing na natutulog. Ang cute cute niya diary. Ang sarap patayin! Tsar!

"Mag-aaral muna si Inay ha. Para sa kinabukasan ng pamilya natin ni Itay." Pakikipag-usap ko kay Owaf habang hinihimas ang ulo nito.

"Arf!" Aaaww... ang ganda ko daw ngayon diary.

"Salamat Owaf!" Matapos non ay bumaba na ako. Kumupit nalang akong isang daan sa pitaka ni mama, tahimik ka lang dyan diary ha? 'Wag mo 'ko susumbong kay mama.

"Mama! Si Ate Chuchay nangungupit sa pitaka nyo!"

Ambuset na Junjun! Hinubad ko nga yung panty ko tsaka hinagis sa kaniya, tsar! Inirapan ko nalang bago ako lumabas. Nabigla ako diary, pagtingin ko kasi sa gate ay nakatayo doon si Percival. Anong ginagawa nitong gwapo na'to dito? Hinihintay niya ba ako diary? Ahihi enebe.

"Good morning Chuchay!" Nakangiti at masaya niyang bati sa akin nang makita niya ang nag-iisang Diyosang Chuchay.

"Good morning Percival!" Naninibago parin ako sa kaniya diary. Hindi naman siya ganito eh. Ano kayang nakain ng nilalang na ito at bigla-biglang naging mabait sa akin?

"Nasan yung boyfriend mo? Si Shan?"

"Wala eh. Nasa Manila, susunduin yung mama niyang galing Japan." Sabi ko at tumango naman siya.

"Ako na magdadala ng bag mo, Chuchay." Alok niya pero agad akong tumanggi.

"Aya hala siya! Hindi na oy! Kaya ko na 'to. Tsaka hindi naman mabigat, puro pagkain lang kasi laman nito." Nahihiya akong ngumiti nang matawa siya sa sinabi ko.

"Sabi mo 'yan ah." Tinanguan ko siya. Pumara na ng tricycle si Shan este Percival at pinauna akong sumakay. Inalalayan niya pa ang ulo ko dahil baka mauntog ako. Naguguluhan na talaga ako diary. Hindi kaya pinagtitripan lang ako nitong lalake na 'to? Umiling-iling nalang ako at binalewala ang mga pumapasok na tanong sa utak ko.

Nang makarating sa school ay nauna siyang bumaba at binayaran si mamang drayber.

"Oh my God!"

"Bakit magkasama sila ni Percival?"

"Di'ba boyfriend ni Chuchay si Shan?"

"Baka nga niloloko lang siya ni Shan eh, you know na."

Napahinto ako dahil sa huli kong narinig. Bakit biglang sumakit yung dibdib ko, diary? Hindi naman niya ako niloloko di'ba? Mahal nga ako ni Shan eh. Hindi ko namalayan na hinila ako ni Percival palapit sa mga babaeng pinagbubulungan ako.

"Nakikiusap ako. Umalis kayo sa harapan ko at 'wag na ulit kayong magpapakita sa akin." Nakakatakot na bantang aniya. Tumingin ako sa mga babae at nakita kong inirapan pa ako ng isa. Panget naman! Mukang daing na pusit!

Narinig ko munang bumuntong hininga si Percival bago ako inayang maglakad na ulit. Nang makarating kami sa room ay nagkakagulo na naman sila. Napatingin pa ako kay Mae-sapok dahil mukang sabog ang gaga. Ay oo nga pala. Nagbreak sila ni Percival. Kawawang gaga.

"Maghanda na kayo sa nalalapit nating highschool night. Bawal mukang bakulaw doon." Amporkchop! Tingnan ba naman ako ni Miss Gagui matapos sabihin yung 'bakulaw'? Gagi ba siya? Sarap sapakin! Kung hindi lang ako masusumbong, sasapakin ko siya eh. Kagigil!

Badtrip tuloy ako buong araw. Idagdag mo pa diary na magkakasalubong na naman ang landas namin ni Mae-sapok.

"Porque wala lang boyfriend mo, pati ba naman si Percival nilalandi mo na."

Pinapainit ng gaga ang dugo ko diary, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at ipahid ko sa mukha niya yung suot kong pasador. Wala kasing mabiling napkin si mama kaya pasador nalang ginamit ko.

"Ehem! Kasalanan ko bang dumidikit sa akin 'yang 'ex' mo?"

Huli ka balbon! Natahimik siya eh, pero naaawa din ako sa lagay niya diary. Parang hindi ko rin kakayanin kung sakaling iwan ako at maghiwalay kami ni Shan. Sana hindi mangyari yung puntong iiyak ako at ikukulong ko yung sarili ko sa kwarto tapos kakatok si mama sabay sabing 'nak! Mamalengke ka.' Panira ng emote si mama.

Nandito na ako sa canteen ngayon at mag-isang kumakain ng brown chicken hakdog. Nakakalungkot kasi ako nalang kumakain.

"Hello."

Muntik ko nang maibuga ang subo kong hakdog dahil biglang may nagsalita sa tabi ko. Si Pecival lang pala.

"Pwede makisabay?"

Tanong niya at wala sa sarili akong napatango. Nagtataka na talaga ako sa lalakeng 'to diary eh. Ang sungit sungit dati tapos ngayon? Siya pa ang nagtatanong kung pwedeng makisabay? Ang ganda ko talaga.

May kasabay kumain ng hakdog,
Chuchaypretty

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon