[ON-GOING]
Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories
NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT.
Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay?
Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hoy Diary!
Pangalawang araw kitang susulatan ngayon, diary. Alam mo bang kanina pa ako nakatingin sa kawalan at iniisip ang naisip kong isipin kanina? Nakakabaliw.
Oo nga pala. Magbabaskayon na kami at bukas narin ang sports fest. Nag-iisip ako kung anong magandang regalo sa cruszxs ko. PhCare kaya? Hinde 'wag yon. Uhm... kung brief kaya? Pwede na'yon diary. Ipapacustomization ko tapos yung mukha ko yung design. Hihihi. Para unique.
Napasimangot ako dahil sa ingay ng mga kaklase kong malalandede. Ang sarap bilugin ng kulangot ko at ipitik sa mga kaklase kong malalandede na pinag-uusapan yung mga lablayp nila sa harapan ko. Hindi ako nasasaktan diary ha? Ang sa akin lang ay bakit kailangan nilang iparinig? Hindi ba nila alam na nakakairita sila? Dahil sa inis ko ay kinuha ko ang kutsilyo ko at pinagsasaksak sila. Syempre jokjok lang yan. Hindi ko gagawin 'yon no? Mabait ako. Angal ka?
Napairap nalang ako at lumabas ng classroom. Wala naman kasi si Sir Florencio Augustus Dimaraanan. Natraffic daw kasi sa tulay eh. Kaya pumunta nalang akong canteen para kumain.
Diary... diary help me.
Parang nahypnotization ako nung pogi na dumaan sa harapan ko. Ang pogi kasi talaga diary. Para siyang yung mga anime. As in! Matangkad, maputi, payat tapos basta! Pogi talaga. Huminto sa pagtibok ang puso ko noong natingin siya sa gawi ko. Omyghad! Hala! Maayos ba itsura ko diary? Hindi naman ako mukhang mangkukulam di'ba? Gusto kong tumili! Goodbye old crushxzs.