[ON-GOING]
Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories
NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT.
Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay?
Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hoy Diary,
Hindi ako mapakali habang naglalakad kami, ang tahimik namin pareho tapos ang sakit pa ng tuhod ko dahil sa kalampahan ko kanina.
"So, kamusta ka naman?"
"Ha? A-ano... ahm w-wala namang bago, napagalitan lang ako nila sir kanina." Nangasim ang mukha ko dahil hindi ko mapigilan ang pagkautal. Narinig ko naman siyang mahinang natawa kaya nagtaka ako.
"Be a good girl next time." Hinakawan niya ako sa ulo at ginulo ang buhok ko, kilig ako diary! "Hindi mo pa nakikita kung gaano kabangis magalit yung ibang subject teachers mo." Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung kulay pulang uod sa larva na kamuka ni sir.
"Ah... oo, hehe." Nahihiya kong sagot.
"Bakit hindi ka nakapunta sa practice namin?" Biglaang tanong niya kaya nagtaka ako. Wala naman siyang nabanggit sa akin na may practice sila eh. "Nag-text ako sa'yo."
Dali-dali kong kinuha yung cellphone ko at tsaka tiningnan. Humigpit ang hawak ko doon nang makita ang text niya.
From: Shanibabes♡
Hi Chuchaybabe! Punta ka sa gym mamaya ha? May practice kami. Love you!<3
"A-ahh... ano." Nasabi ko nalang dahil sa kahihiyan, natatakot na baka magalit siya sa akin. Napayuko ako at hindi maiwasang kutkutin ang daliri. Narinig ko siyang napabuntong hininga kaya kinabahan ako.
"Ay oo nga pala. Magkasama kayo di'ba?" Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kaniya.
"Ha? Si-sinong kasama?" Maang-maangan kong tanong kahit na alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Bumuntong hininga muna siya bago ako inakbayan at pinaupo. Tahimik lang kami habang magkatabi at nakatingin sa mga batang naglalaro.
"Nagseselos ako eh." Mahinang wika niya pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko dahilan para gulat at nanlalaki ang mga mata akong napatingin sa kaniya. Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko, eto na naman yung puso ko, parang tinatambol dahil sa sobrang lakas ng tibok lalo na nang akbayan niya ako at isandal sa kaniyang dibdib.
"Alam mo bang—,"
"Wag mo na ituloy!" Pigil ko agad at lumayo sa kaniya. Naguguluhang tumingin sa akin si Shan, nagtataka sa ikinilos ko.
'Wag kang maging marupok, Chuchay! Tandaan mong papahirapan mo pa siya sa panliligaw sa'yo!