DNIB #35

47 13 5
                                        

• • •

Hoy Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hoy Diary!

Hindi ko alam kung gano katagal na akong nakatayo at nagtatago dito sa may kanto malapit sa bahay namin. Putek diary, ang panghi! Natalo amoy ng hininga ko! May nakasulat pang 'don't block the ihi ihi way', ininers! Ihian pala itong pakening shet na pinagtataguan ko. Ang dilim dilim pa naman tapos may nag-iinuman pa sa harap ng tindahan ni Aling Kutleng. No choice ladies choice ako diary, kailangan ko nang umuwi dahil kung hindi ay mapapagalitan ako ng mighty bunganga ni mamang nakalunok ng isang libong megaphone.

Napabuntong hininga ako bago ko napagpasyahang umuwi na kahit pa nandoon parin si Shan. Hindi pa man ako nakakalapit ay kitang kita kong nakapikit ito habang nakasandal at nakapamulsa. Mukang nakatulog na, pero kahit ganun ang gwapo parin niya, diary. Nang makalapit ako ay nagulat ako nang bigla itong tumingala. Malamlam ang kaniyang mga mata at mukhang kakaiyak lang.

"Chuchay ko," sambit niya dahilan para manlambot ang mga tuhod ko. Ang sarap pakinggan ng mga salitang iyon. Pero ayaw ko, hindi ako magpapaapekto sa kaniya. Ayaw ko nang masaktan pa ulit at maranasang umiyak tuwing gabi. Yumuko muna ako bago siya tiningnan sa mata at kausapin.

"Kamusta? Gabi na, bakit 'di ka pa umuuwi?" Tanong ko habang pinipigilan ko ang sarili kong yakapin siya ng mahigpit.

"Usap tayo." May parte sa akin na gusto siyang kausapin pero ayaw ko nang masaktan pa ulit sa mga kasinungalingang sasabihin niya.

"Wag na. Goodnight Shan." Akmang papasok na ako sa gate nang hawakan niyang bigla ang braso ko at nagulat nalang ako nang magkalapat na ang aming mga labi. Dilat na dilat ako habang siya ay nakapikit. May nakita pa akong luhang tumulo mula sa kaniyang mata. Hindi nagtagal ay kusa nalang din na pumikit ang aking mga mata at tumugon na sa kaniyang halik.

"Ang gandang view." Dumilat ako at mabilis na tinulak palayo si Shan. Hindi ako makatingin kay Perci na ngayon ay nakatayo sa likuran namin ni Shan at walang emosyon ang mga matang nakatingin sa amin. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko nang mapatingin siya sa akin.

"Alam kong wala akong karapatan sa'yo, Chuchay. Pero pucha... iba parin pala talaga yung sakit." Wika niya habang nakatingin sa mga mata ko. "Wala parin palang silbi. Pero kahit ganun, masaya ako kasi napasakin ka kahit sa kaunting araw man lang."

"Perci," pilitin ko mang magsalita ngunit parang may bumara sa aking lalamunan, walang lumalabas na salita. Nagsimulang magtubig ang aking mga mata hanggang sa parang talon na walang tigil sa pagbuhos ang aking mga luha.

"Huwag kang umiyak. Nasasaktan ako na makita kang lumuluha dahil wala akong karapatan para punasan iyang mga luha mo."

"Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Alam kong siya parin naman ang laman ng puso mo kahit anong gawin ko. Mahal na mahal kita, Chuchay." Matapos niyang sabihin iyon ay lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit na tila ba ayaw niya na akong pakawalan pa. Nang kumalas siya sa akin ay malungkot niya akong nginitian at tsaka bumaling kay Shan sabay tapik sa balikat nito.

"Ingatan mo si Chuchay, pre. Hindi ako magdadalawang isip na agawin siya sa'yo kapag sinaktan mo ulit." Nagbabantang aniya bago tumalikod at maglakad palayo. Halos hindi ako makahinga dahil sa sikip ng dibdib ko kahit puro foam lang naman. Wala akong magawa, napakamakasarili ko, diary. Si Perci yung laging nasa tabi ko noong mga panahong iyak ako ng iyak at nasasaktan. Hindi siya umaalis sa tabi ko. Sa tuwing umiiyak ako ay siya lang yung lagi kong nasasandalan, diary. Pero ganito yata talaga ang pag-ibig, mas pipiliin mo yung taong mahal mo sa kabila ng panloloko at pananakit niya imbes na mahalin yung taong nasa tabi mo lagi at kasama sa mga panahong lubos kang nasaktan.

Mariin kong pinunasan ang luha ko at bumaling kay Shan na nakatingin pala sa akin.

"Wag ka nang umiyak." Inilapat niya ang palad sa pisngi ko kaya hinawakan ko iyon at mariing hinawakan. Nawala ang bigat sa dibdib ko. Siya lang talaga ang nakakagawa sa'kin ng nga ganitong bagay.

"Tapos na teleserye nyo? Tuloy nyo lang ha? Kukuha lang ako chitchirya sa loob." Sabay kaming napalingon ni Shan sa direksyon ng nagsalita. Si mama lang pala, psh! Panira ng moment eh.

"Sana, mapatawad mo na ako." Wika ni Shan habang nakatingin sa aking mga mata. Kusang pumatak ang luha sa aking mga mata, una palang napatawad na kita.

"Matagal na kitang pinatawad pero pinutol ko na ang namamagitan sa atin." Diretsang sabi ko na ikinagulat niya, ngunit agad naman iyong napalitan ng ngiti.

"Sunduin kita bukas, sabay na ulit tayong papasok. Hindi ako magsasawang ligawan ka hanggang sa matanggap ko na ulit ang matamis mong oo." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay niyakap niya ako nang mahigpit at hinalikan ang aking noo.

Masayang malungkot,
Chuchay malaki foam

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon