DNIB #19

51 16 4
                                    

• • •

Hoy Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hoy Diary!

Buntis ako. Tsar! Nabundat ako sa kinain namin ni Shan. Nag aya nga kasi siyang magdate di'ba? Gusto ko nga talaga ay sa Sogo kaya lang nung sinabi ko sa kaniya ay tinawanan lang ako. Tapos ngayon ay nandito naman kami sa kanto, sa may tindahan ni Aling Berat. Parang natakam kasi ako sa balut kaya dito ko inaya si Shan pagkatapos namin kumain ng mga ihaw-ihaw. Nakakalimang balut na yata ako diary hihihi. Ang sherep kasi eh.

"Saan tayo sunod?"

"Tara sa perya!" Sabi ko at agad naman siyang tumango. Magkahawak kaming naglakad papunta sa perya. Hindi na kami nagtricycle diary dahil sayang ang aming money. Magagamit pa namin 'yun sa future namin hihihi. Bibili pa kaming house and lot eh.

"Halimaw ba 'yun?"

"May naglalakad na tingting."

Bulungan nung mga nadadaanan namin ni Shan pero wala akong pake. Nagulat nalang ako nang bigla akong hinila ni Shan patungo doon sa mga nagbubulungan.

"Girlfriend ko? Halimaw? Eh ano tingin nyo sa mga ugali nyo? Kung manghusga kayo akala nyong ang gaganda nyo! Ugali palang pangit na sa inyo eh. Hindi nyo ikagaganda 'yang panghuhusga nyo. Tandaan nyo 'yan. Nanggigigil ako sa inyo! Mga patapon!"

"Shan, hayaan mo na." Pang aawat ko. Owmay diary! Aksidente kong nahawakan yung dibdib ni Shan dahil doon naglanding ang pasmado kong kamay! Ang hard ng dibdib niya! Huhu nakakatakot palang magalit 'tong lalake na 'to diary. Pero at the same time ay napangiti ako. Ang protective ng boyfriend ko diary hihihi. Buti nalang ay sumunod siya sa akin kaya inaya ko nang sumakay ng ferris wheel na bulok.

Ang sarap sa pakiramdam diary na kasama mo yung taong gusto mo nuh? Syempre gusto ko palang si Shan, hindi ko pa siya mahal. Kasi minsan ay may pagkakataon parin na pumapasok sa isip ko si Percival eh. Ewan ko ba.

"Chuchay." Napatingin ako kay Shan nang tawagin ako nito. Grabe diary! Alam kong wala akong nagawang matino sa buong buhay ko pero nagpapasalamat ako dahil may Shan ako ngayon na pinagtatanggol ako sa mga nanghuhusga sa akin.

"Chuchay, mahal kita." Diretso niyang sabi kaya nahigit ko ang hininga kong amoy balut. "Alam kong nabigla ka pero totoo 'tong sinasabi ko. Mahal na mahal kita, Chuchay." Baka sa sobrang kilig ko diary ay tumalon ako dito sa ferris wheel! Pigilan mo 'ko!

"Seryoso ako sa'yo, Chuchay. Nung araw na naglaro tayong truth or dare? Sobrang saya ko nung nalaman kong gusto mo ako kaya hindi na ako nagdalawang isip na gawin kitang girlfriend. Isipin mo nang nagmamadali ako, pero gusto kasi kita, at hindi lang gusto dahil mahal talaga kita. At ngayon, sa pumayag ka man o sa hindi ay liligawan kita." Speechless ako diary. Wala akong masabi sa pinagsasasabi ni Shan ngayon sa harapan ko. Diary pede pasapak?

"Chuchay? Can I court you?"

Pakiramdam ko diary ay nadikit yung pwet ko dito sa kinauupuan ko. Hindi kasi ako makagalaw eh. Nagwawala na naman yung puso ko. Tiningnan ko muna si Shan bago ako sumagot.

"No." Agad na tanggi ko.

"Tsarot lang! Hahaha! Oo naman nuh? Tsaka huk‐,"

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dapat diary dahil bigla nalang akong niyakap ni Shan.

"Salamat Chuchay."

May manliligaw na,
Chuchay

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon