DNIB #26

44 12 2
                                        

• • •

Hoy Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hoy Diary!

Halos araw-araw na yatang dito nakikikain si Shanibabes sa amin, diary. Mula nung nagtext siya nung Sabadong 'yun ay lagi na siyang dito nakikikain sa amin. Wala bang kasama 'tong lalake na 'to sa kanila? Kung wala diary ay lalayas na ako sa pamamahay na 'to at doon na ako makikitira sa kaniya hihihi. Tsar! Highschool palang kami nuh! Madami pa akong pangarap sa buhay.

"Oh, kanin pa." Alok ni mama kay Shanibabes na sarap na sarap sa pagkain.

"Salamat mama." Hihihi kinikilig yung fekfek este heart ko diary kapag naririnig kong mama din ang tinatawag ni Shanibabes sa ina kong napakamapagmahal.

Nandito nga pala ulit si Shan dahil kagabi ay tinawagan niya ako na dito ulit siya kakain sa amin. Tapos kanina ay sinabi niyang lalabas kami dahil ibibili niya akong gown na susuotin ko sa Biyernes para sa highschool night namin. Hihihi eggzoytsed na ako diary!  Ibibili nga rin daw pala namin ng damit si Owaf, parang anak na kasi tingin namin ni Shan sa tutang 'yun eh.

Pagkatapos niyang kumain ay nagpaalam na agad siya kay mama dahil may date pa kami hihihi. Paglabas namin ng bahay ay pumara na agad siya ng tricycle.

"Kuya, doon lang sa mall." Sabi niya doon sa mamang drayber ngunit napangiwi ako. Gusto ko sanang sabihin diary na, 'kuya, dalawang langit po'. Kaso 'wag nalang hihihi.

Bumaba na kami ng tricycle ngunit nagtaka ako ng iniwan ako ni Shan at nagdire-diretso papasok sa mall. Amporkchop na lalakeng 'yun! Ako pa pala ang balak na pagbayarin ng pamasahe namin! Buti nalang diary at may extra money ako galing sa tira kong baon kahapon.

Kanselado kasi ang pasok ngayon kaya nagpasya si Shanibabes na bumili nalang kami ng mga gagamitin sa highschool night namin.

"Saan tayo, Chuchay?"

"Sa Sogo, gusto mo?"

"Baliw ka talaga." Seryoso ako! Tapos sasabihan ba naman ako ng baliw? Ha! Manonood lang kaming cartoons doon eh.

"Teka lang Chuchay, pumasok ka na sa department store. Susunod nalang ako sa'yo, naiihi ako eh."

"Sama ako." Pamimilit ko pa. Aba! Tinakbuhan ba naman ako, diary? Hindi ko naman siya sisilipan eh, tatayo lang ako sa may pinto tapos hihintayin ko siyang matapos. Napanguso tuloy ako at mag-isang pumunta sa department of health.

Infairness, diary. Ang gaganda ng mga gown. Feel ko nga bagay sa akin lahat eh hihihi. Hala! Shet! Wadapak! Napigil ko yung hininga kong amoy PhCare dahil nung pag-hawi ko ng mga damit ay may bumungad sa akin na pwet! Ay hindi pala hihihi. Muka pala ni Wendy yun, diary.

"Anong ginagawa mo ditong babae ka?"

"Pumipili ng damit, bakit? May problem ka ba, Wendy?" Nakakainit ng dugo yung pagmumuka niya, diary. Ang sarap ilampaso.

"Yeah. I have a problem," Ang arte ng gaga. Kala mo diary kung sinong magandang spokenening dollars. Muka namang kutong naglalakad.

"And sow what iz yah problem?"

"Ang pangit mo kasi Chuchay eh."

"Ay wow! Ako pa ang panget ngayon ah. Humarap ka na ba sa salamin? Baka hindi pa? Subukan mo, makakakita ka ng negrang impaktang themoonewng kutong mukang butas ng pwet!" Napalakas yata sigaw ko diary, napatingin yung mga tao sa amin rh. Pwes! Wala akong pake. Hindi ako magpapatalo kay Wendy nuh? "At tsaka nga pala, alam ko Wendy, bawal ang mga mukang pwet dito eh. Kaya, chupi ka nalang."

"How dare you!" Akmang sasampalin niya ako kaya napapikit nalang ang aking beautiful eyes, ngunit lumipas ang segundo ay hindi ko naramdaman ang magaspang at matigas na palad ni Wendy sa malambot at makinis kong pisngi.

"Wag na 'wag mong padadapuin yang kamay mo sa muka ni Chuchay, Wendy." Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at nagulat dahil si Percival ang bumungad sa akin. Hawak niya ang palapulsuhan ni Wendy na nakatingin ng masama sa akin. Binelatan ko nga, walk-out siya eh.

Napanguso ako, bakit wala si Shan? At bakit nandito si Percival?

"Ayos ka lang? Sinaktan ka ba ni Wendy? Ikaw lang mag-isa?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin. Bakit ganun diary? Dati naman hindi ganito inaakto sa akin ni Percival ah? Pinagtutulakan niya pa nga ako at sinisigaw-sigawan tapos ngayon, kung makapag-alala siya sa akin.

"A...ahhh oo. Ayos lang ako, Percival. Tsaka kasama ko pala yung boyfriend ko, si Shan."

"Boyfriend." Rinig kong bulong niya habang tumatango-tango pa. "Nasaan?"

"Umihi lang pero wala parin hanggang ngayon eh." Ewan ko diary, pero parang kinakabahan ako.

"Ganun ba?" Tanong niya at tumango naman ako. "Samahan muna kita." Hala! Totoo ba 'to diary? Sasamahan ako ng isang Percival Martin?

"Ano, di'ba may girlfriend ka? Si Mae-sapok este Mae?" Shet ka Chuchay! Nakakahiya!

"Wala na kami." Literal na nawala ang ngiti ko, diary. "Pero hayaan mo na. Hindi naman ako apektado sa paghihiwalay namin." Bumilis bigla tibok ng heartbeat ko ng tumingin siya sa akin. Bakit ganito 'tong lalaki na 'to ngayon, diary?!

"Chuchay!" Napangiti ako ng marinig kong tinawag ako ni Shan. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya habang papalapit sa amin ni Percival, ngunit nabura ang ngiti niyang iyon nang mapatingin sa lalaking katabi ko.

"Oh! Perci, anong ginagawa mo dito?" Tanong agad ni Shan nang makalapit sa amin sabay akbay sa akin.

"Wala, napadaan lang. Sige, una na'ko." Makahulugang tumingin si Percival kay Shan bago umalis at tumalikod sa amin.

Matapos magpaalam ni Percival ay nagsimula na kaming mamili ni Shan ng mga gamit. Nagpapaliwanag din siya sa akin kung bakit natagalan siya, may nakasalubong daw kasi siyang kakilala kaya saglit na nagkwentuhan.

"Pasensya na Chuchay ha. Hindi ko naitext sa'yo." Nginitian ko siya ng matamis.

"Ayos lang yun nuh? Ano ka ba." Syempre hinampas ko siya sa dibdib hihihi. Nahawakan ko tuloy ang kaniyang hard and matigas na dibdib.

Matapos non ay hindi na kami nakapag-usap pa. Pansin ko din diary na pasulyap-sulyap siya sa telepono niya. Gusto ko mang magtanong pero pinili kong itikom nalang ang bibig ko. Hapon narin nang makauwi kami. 

"Baka hindi kita masundo bukas, Chuchay. Uuwi kasi si mama galing Japan. Tsaka hindi rin siguro ako makakapasok maghapon dahil sa Manila Airport pa namin siya susunduin." Aaw... gusto ko mang magreklamo pero wala akong magagawa eh.

"Okay lang, Shan. Ienjoy mo. Sana all di'ba may mama na uuwi galing Japan. Si mama kasi uuwi lang kapag may baon nang tsismis at blackeye eh, lagi kasing napapaaway yun." Nagtawanan at kwentuhan pa kami bago siya nagpaalam. Hindi ko inaasahang yayakapin niya ako at hahalikan sa noo hihihi.

"Ingat ka, babe. Damn. Parang hindi ko kayang hindi kita makita buong araw. Ngayon palang namimiss na kita. I love you, babe." Bulong niya sa akin habang nakayakap parin kaya nakiliti ako dahil sa hininga niyang mabango na tumatama sa leeg ko.

Kinilig ako bigla, diary. Ang bango ni Shan. Ano kayang pabango niya? Calv n Kleid? Ako kasi Victoria Malihim lang eh. Pati nga yung panty kong halos isang buwan ng hindi nalalaban ay Victoria Malihim din. Tsar! Mababango panty ko nuh!

"Ingat ka din, babe. I love you too."

Nag-shopping,
Chuchay♡ Shan

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon