• • •
Hoy Diary!
Badtrip ako pagkauwi diary. Nakakabuset kasi si Junjun! Kapatid kong lalake yan. Gusto nyo ba? Ibenta ko nalang with discount pa. Pm me for more infos. Ganito kasi nangyare, pagbukas ko ng pinto, biglang may tumalisod sa akin. Ako naman itong si lampa, nasubsob sa akala kong chocolate. Bakit? Kasi tae pala ni Choco 'yon. Ang masama, tinikman ko pa. Tapos yung nakapagpainit pa ng dugo ko ay tinawanan ako ng kapatid kong loko-lokong pinaglihi ni mama sa limang daang loko-loko. Pasalamat siya mabait pa ako, kung hindi siguro ay isinubo ko na itong tae ng buset na Choco the great na 'yon.
Nagmamadali akong pumanik sa kwarto ko at nagmumog. Habang nagmumumog ako ay nahagip ng mata ko ang isang kulay asul na bote. Dahil nga ako ay isang kyoryos na pussycat ay kinuha ko iyon.
"PhCare? Ano 'to? Cool wind with active fresh. For extra cool feeling." Basa ko sa nakasulat. Binuksan ko ito at naglagay sa sepilyo ko. Wala namang mali diary. Wala talaga. Parang ordinaryong toothpaste lang din. Pero infairness mga siszt! Habang tumatagal siya mas lumalamig sa bibig! Try nyo na! Highly recommendation ko. Pagkatapos kong magsepilyo ay nagmumog na ako. Ang bango! Ang refreshing! Eto na lagi kong gagamitin diary ha? Hihihi.
Love,
Chuchay mabango hiningaP.s nasapak at nasabihan pala akong tanga ni mama dahil bakit ko daw ginamit sa bibig yung PhCare. Dapat daw sa gubat lang 'yon, diary. Ano yung gubat? Tsaka bakit sa gubat?
BINABASA MO ANG
Diary Ng Inosenteng Babae
Novela Juvenil[ON-GOING] Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT. Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay? Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...