• • •
Hoy Diary!
Di'ba ang sabi ko sa'yo diary ay hindi ako makakilos. Kaya pala hindi ako makagalaw ay may nangtrip na lagyan ng mighty bond yung inuupuan ko. Ang buset! Nakakainis! Wala tuloy akong nagawa kundi ang hubarin nalang 'yon. Buti nalang din diary at nakadoble akong fekfek short ngayon hihihi. Ang sexy ko tuloy. Kaya lang ang buset na Shan a.k.a manliligaw ko ay tinatawanan lang ako! Hindi ba siya naakit sa maputi kong legs? Huhu kainis naman oh!
"Iwan mo nalang yang palda mo dyan." Ay wow diary, nagsuggest pa ang loko.
"Eh kung ikaw kaya ang iwan ko? Hindi ko hahayaan 'tong palda ko dito nuh? Ito na nga lang yung nag-iisa kong palda tapos mawawala pa." Huhu naiiyak na ako diary. Sobrang kapit kasi eh. Buti nalang hindi dumikit yung balat ko, kundi baka nabalatan akong buhay. Tsar!
"Ako na nga! Alis dyan." Pagsuway sa'kin ni Shan at pilit akong pinatayo mula sa pagkakadapa ngunit may narinig akong napunit. Sabay kaming napatigil ni Shan at napatingin siya sa kanang kamay ko. Dahan dahan ko itong inangat at agad na bumuhos ang mga luha ko.
"Waaaaaaaaaah! Yung palda koooooo!" Huhu ang sakit diary! Yung ibang tela ng palda ko ay hawak-hawak ko, samantalang yung natira ay nakadikit parin sa buset na upuan. RIP mahal kong palda.
Mugto ang mga mata ko nang makababa kaming ferris wheel ni Shan. Dapat pala ay naghorror train nalang kami. Magkakaron pa ako ng chance na makahawak sa matigas at mamuscle na braso ni Shan. Tsar! Buto't balat lumilipad nga yung lalakeng 'yun diary eh.
Napaangat ang tingin ko nang hawakan ni Shan ang kamay ko, ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang pag-akbay niya sa akin. Oh mah heart!
"Wag kang lalayo sa'kin Chuchay. Baka hindi ko matiis na sugurin yung mga lalakeng nakatingin sa'yo." Sabi niya. Ewan ko diary, pero imbes na matakot ako ay mas kinilig pa ako. Haaaay... buhay is layf nga naman.
Hanggang sa makauwi kami ay akbay akbay niya parin ako. Kinikilig ako diary, pakurot nga sa singit hihi. Nang makarating kami sa harap ng bahay ay hindi muna ako pumasok.
"Salamat Shan."
"No. Ako dapat ang magpasalamat sa'yo dahil pinayagan mo akong ligawan ka kahit sa huli ay alam kong matamis na 'oo' parin ang matatanggap ko."
"Ayaw mong mapait? Tsar lang!" Biro ko pa with matching pahampas on his shoulder blade. Naalala ko nga pala diary, napangiwi tuloy ako. Amoy balut nga pala yung hininga ko hehe.
"Sunduin kita bukas ha." Sabi niya kaya tumango naman ako. Naiilang ako diary sa titig niya sa akin. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamagandang halimaw sa balat ng Earth! Patayin ako ngayon na! Bigla ba naman kasi akong yakapin!
"Bye Chuchay!" Kumaway nalang ako nang magsimula na siyang maglakad palayo. Huhu nanginginig tuhod ko diary. Ang bilis ng tibok ng heartbeat ko.
May heartburp pero maganda parin,
Chuchay on your area
BINABASA MO ANG
Diary Ng Inosenteng Babae
Teen Fiction[ON-GOING] Rank #30 on DIARY out of 45.3k stories NAKAKATAWA, NAKAKAIYAK, AT NAKAKAKILABOT. Naranasan mo na bang magkulong sa kwarto dahil broken? 'E iyakan ang mga maliliit na bagay? Meet Chuchay Lin Hye, ang babaeng kulay pink ang buhok pero aya...