DNIB #29

47 12 3
                                        

• • •

Hoy Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hoy Diary!

Halos hindi ako nakatulog kakaisip, may isip pa pala ako. Naaawa ako kay Percival, pero wala akong magawa eh. Mahal ko na talaga si Shan. Kaibigan nalang ang tingin ko kay Percival. Wala na yung dating halos hindi ako makahinga kapag lumalapit siya sa akin.

Pero diary, ang ipinagtataka ko ay hindi na ulit nagtext o chat sa'kin si Shan. Ano na kayang balita? Bukas na kasi ang highschool night namin eh. Ang bilis nuh? Tapos kinabukasan ng highschool night, birthday ko na!

Ngayon ay mag-isa akong kumakain dito sa canteen. Mukhang tinotoo nga ni Percival na hindi na siya lalapit ulit sa akin. Tuwing magkakasalubong kasi kami ay umiiwas siya o kaya nag-iiba ng daan.

"Hello Chuchay!"

Napatingin ako sa tumawag sa akin. Bakit mukang pwet? Tsar! Si Wendy lang pala diary.

"Aah... hello din!"

Bati ko pabalik. Ano kayang kailangan ng babaeng 'to, diary?

"Pwede ako makisabay?"

Tanong niya kaya tumango naman ako. Nagulat ako pero hindi ko nalang pinahalata. Wala namang masama kung makikiupo siya, di'ba diary?

"Kamusta kayo ni Shan?"

Tanong niya kaya naman wala sa sarili kong naibagsag ang kutsara tinidor na hawak ko. Kamusta na nga ba kami? Ang tagal ko na siyang hindi nakakausap. Huling pag-uusap namin ay noon pang gabi na umalis siya, kahit text ay wala din.

"Ayos naman kami."

Nakangiting sagot ko, kahit sa laman loob ko diary ay nalulungkot at nasasaktan ako. Nakakatampo naman kasi talaga si Shan eh. Gulat akong napatingin kay Wendy nang bigla nalang itong humagulgol.

"Hoy! Ba't ka umiiyak? Hindi bagay sa'yo." Naisigaw ko tuloy. Bigla ba naman kasing umiyak eh.

/_( -_-)_\

"Eh kasi nakokonsensiya ako! Naiinggit lang naman kasi ako sa'yo dahil may Shan ka na kaya lagi kitang inaasar at iniinis huhu." Napakamot ako sa ulo ko at tinaasan ng kilay ang mga estudyanteng pinagtitinginan kami.

"Gaga ka. 'Wag ka na ngang mag-inarte dyan. Hindi talaga bagay sa'yo. Para kang kutong naglulupasay." Binatukan ko nga. Ayun, nahinto sa pag-iyak ang gaga.

"Sorry Chuchay ha."

"Oo na nga! Kulit mo din eh!" Matapos non ay nagkwentuhan at daldalan pa kami. Masaya din palang kasama 'tong gagang babae na 'to, diary. Naging magkasundo agad kami dahil pareho kaming abnormal. Naalala ko tuloy yung mga nabasa ko dati, from enemies to lovers. Yuck!

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon